CHAPTER 16

3.6K 100 0
                                    


"Oh? Yan? Kanina ka pa umuwi?" Inangat niya ang tingin niya sakin galing sa laptop at agad nangunot ang noo niya.

"Napano ka?" Sinalubong niya na ako tapos inalis ang kamay ko na may hawak sa panyo ni Erin.

"Ahh. Sa horror booth kasi-"

"Fuck! Andaming dugo na nito. Bakit ba ang lapit-lapit mo sa disgrasya??"

"Hindi ko naman kasalanan kung sila ang lumalapit sakin ah!"

"Aish!! Stay here." Tinignan ko lang siya na papunta na sa taas.

Tinignan ko na lang ang ginagawa niya sa laptop niya since nakaharap naman sakin tsaka stay here daw eh kaya mamaya na ako aakyat sa kwarto ko. Narinig ko ring tumahol si Kookie tapos tumakbo siya papunta sakin at pumwesto sa lap ko kaya nilaro ko siya habang nagbabasa sa laptop ni Yan. Parang wala nanaman dito sa bahay si Uncle. Hmm, gumagawa siya ng software? Ay oo nga pala, I.T student pala ang isang yun. Nagbasa lang ako sa ginagawa niya. Well, this is interesting. May kumuha ng panyo na nasa noo ko. Hinayaan ko lang kasi baka lilinisin na ni Yan ang sugat ko.

"Yan! Paturo nga ne-...to." Napalunok ako. Nakatayo ngayon sa harapan ko si Ran na halatang bagong ligo dahil may hawak pa siyang twalya plus basang-basa pa ang buhok niya. Nakasuot lang siya ng plain white sando na nagpalitaw sa kagandahan ng katawan niya at gray na sweatpants.

"What happened to you? Nobody reported to me that you've been attacked." Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Bumaba si Kookie sa lap ko tapos naglibot-libot siya sa may paa ni Ran kaya kinarga niya yun. Magkasundong-magkasundo ang dalawang yan eh.

"Siguro dahil wala sila sa loob ng horror booth." Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa sa laptop ni Yan.

"Horror booth?"

"Hindi mo alam ang horror booth? Nasa college niyo nga yun eh."

"Of course I know what a horror booth is."

"Eh bakit ka pa nagtanong?"

"What were you doing there?"

"Sigurado ka bang gusto mong sagutin ko yan?"

"You know what? Nevermind!" Tapos binagsak niya sa lap ko yung panyo na puno na ng dugo. Kookie whimpered.

"Ano bang problema mo??"

"I'm trying to start a conversation with you pero parang ayaw mo so forget it." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Dahil lang dun, nagagalit na siya? Naramdaman kong may tumutulo nanaman sa noo ko kaya kinuha ko yung binagsak niyang panyo at nilagay ulit sa noo ko.

"Damn it! Let me see that." Inalis niya ang panyo ni Claire tapos yung hawak niyang towel ang pinunas niya sa dugo. Hinayaan ko lang siya. Live show ng mala-model niyang katawan eh. Nilagay niya ulit si Kookie sa lap ko.

"Sa susunod, magsabi ka na lang kasi kung gusto mo makipag-usap o ano. Hindi yung nagtatanong ka ng mga walang sense na bagay tapos kapag sinagot kita, magagalit ka."

"Can you shut up?"

"Tapos ngayon, shina'shut up-shut up mo ako. Ang gulo mo din eh."

"LQ? Again?" Pareho kaming napatingin kay Yan na may bitbit na first-aid kit. Lumipat si Ran sa katapat na sofa nitong inuupuan ko at sumunod nanaman si Kookie samantalang si Yan naman ang lumapit sakin.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora