CHAPTER 28

2.6K 84 2
                                    


~~~

"He's here." Lumapit sakin si Yan at inabot na ang gagamitin kong earpiece.

"That's always on so we'll be able to hear and speak with you and vice versa. Susundin namin ang gusto mo na hindi ka namin samahan pero we'll keep an eye on you."

"Sure." Sabi ko kasi sa kanila, isasama ako ni Clyde at sabi niya ay ang Phoenix muna ang bahalang magbantay sakin. Kelan ba nila titigilan ang pagtrato sakin na parang bata na palaging kelangang may nagbabantay? Tss.

"Big Boss, mauna na kami dun para I'check ang lugar." Tumango ako sa kanilang tatlo. Hindi kasi bawal na magdala ng kahit anong armas sa loob ng Black Zone. Tumingin lang sakin si Ran dahil ayaw niya na iwan akong mag-isa kasama ang Phoenix. For sure, galit yan sakin pero mas mabuti ng ganun para hindi na sila magkaroon ng unnecessary fight ni Clyde. Mauuna sa Black Zone si Clark, Xander at Ran samantalang susunod naman samin hanggang makarating doon sina Cloud at Yan.

"Mallows, you ready?" Inayos ko na ang buhok ko para matakpan ang earpiece at saka lumapit na kay Clyde.

"Yan, Cloud, mauna na kami." Tumango silang dalawa pero parehong ang tatalim ng tingin nila kay Clyde kaya nagmadali na kaming lumabas.

"They sure are pissed off."

"Tsk. No shit?" Inirapan ko pa siya dahil sa sinabi niya. Alam na alam niya naman kasi kung bakit ganun ang mga tingin nila sakanya eh. Mabuti nga at hindi niya na naabutan yung tatlo kundi baka bumulagta na lang siya ng bigla sa loob ng bahay.

"I promise, I'll win this, Kei."

"Dapat lang kundi makakatikim ka talaga sakin." Ngumisi lang siya ay nagmaneho na papunta sa Black Zone. Parang sigurado siyang mananalo dahil halata namang kalmado lang siya.

Nakarating na kami sa Black Zone at kung noong una akong pumunta dito ay dati ng sobrang dami ng tao, pwes ngayon ay hapos triple na sila kahit mayroon pang tatlumpong minuto bago magsimula ang laban ni Clyde at Drake. Pagkababa namin sa kotse ni Clyde ay agad kaming pinalibutan ng mga tauhan niya samantalang hinawakan niya naman ako sa bewang at saka idinikit sakanya. I glared at him.

"Wag ka ngang chansing."

"Pft. I'm not. This is just for security purposes."

"Yeah, yeah. Whatever you say."

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nagsimulang maghiyawan ang mga tao nang nakapasok na kami sa loob ng Black Zone.

"Big Boss is inside. Stay alert." Rinig kong sabi ni Ran sa earpiece kaya napatingin ako sa glass room. Tss, wala akong maaninag na kahit ano. Dumiretso na kami sa inner circle dahil ang arena doon ang gagamitin nila.

"The bastard brought his whole gang too." Napatingin ako kay Clyde dahil sa sinabi niya.

"Bakit kailangang dalhin ang buong gang? Akala ko, one-on-one ang magaganap na laban sa pagitan niyo?"

"It is. Pero hindi tayo nakakasiguro kung anong pwedeng gawin ni Drake so I brought my men too. Sit here." Pinaupo niya ako sa isang wooden chair na nasa mismong ibaba ng ring. Ibinaba yung wall na naghihiwalay sa inner at outer circles nitong Black Zone para makita ng mga nasa outer circle ang nangyayari ngayon dahil hindi kakasya lahat sa inner circle. Inilibot ko ang paningin ko at masyadong halata ang division ng mga tao dito sa inner circle para hindi ko mapansin.

"Clyde."

"Hmm?" Hindi siya tumingin sakin dahil inaayos niya na ang mga isusuot niyang protective gear para sa laban.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now