CHAPTER 19

2.7K 86 0
                                    


KYRAN'S POV


"RESTRAIN HER!!!!"

"DON'T!"

"HUWAG KAYONG LALAPIT SAKANYA!"

"KEEP HER AWAY FROM THERE!!"

"BOSS!!!"

"ZEPH!! STOP!!!"

"DON'T GO NEAR HER, YOU MORONS!! SHE'LL KILL YOU!!!"

"DON'T BE STUPID, KHYAN!! YOU CAN'T STOP HER!" Sigaw ko sa kapatid at hinigit siya dahil lalapit na sana siya sa nagwawalang si KZ.

"So, anong gusto mong gawin ko?! Tumunganga at panoorin siyang wasakin ang buong mansion at saktan ng husto ang sarili niya?!" I glanced at KZ.

"We're going to sedate her. We don't have a choice. That's the only way she'll calm down. Go get the drug." Binitawan ko na ang kwelyo ng damit niya pero nakatanga pa rin siya sakin.

"We can't do that to her!!"

"WE. DON'T. HAVE. A. CHOICE. GET. THE. DRUG." Nagdadalawang-isip pa siya kung aalis siya o hindi pero umalis din naman siya.

Humarap ako kay KZ na kasalukuyang nagwawala sa loob ng mansion. She's shouting like a mad man. She's breaking things. She's throwing things. Her hands are bleeding. Her face has few cuts from the glasses that she broke with her bare hands. Tinatapunan niya ng mga kunai kung sinumang magtangkang lumapit sakanya. Ang tanging paraan lang para makalapit sakanya ay ang labanan siya at iwasan ang mga binabalibag niyang mga gamit.

"I have it." Tumango ako sa kapatid ko at pinakita niya sakin ang syringe na may lamang likido.

"Susubukan kong lumapit sakanya and I'll restrain her. When you see a chance to sedate her, do it immediately. I don't know how long I'll be able to stop her movements so take your chance." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at nagsimula na akong maglakad papalapit kay KZ. Nakatalikod siya sakin pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ng huminto siya sa pagbato ng mga gamit at humarap sakin.

"KZ, you have to stop. You're hu-" Naputol ang sinasabi ko dahil tinapunan niya ako ng kunai na naiwasan ko sa huling segundo. I guess talking wouldn't do the trick so I advanced towards her. She immediately took a defensive stance pero tuloy-tuloy pa rin ako sa pagtakbo papunta sakanya. Nang masiguro kong hindi siya iiwas, tumalon ako at niyakap ang bewang niya. Pero bago ko yun magawa, nakita kong naglabas siya ng isang kunai at wala na akong nagawa ng iniharap niya yun sakin. Pareho kaming natumba at nakatusok sa tiyak ko ang isang kunai pero hindi ko siya binitawan at sinigurado kong hindi siya masasaktan ng sobra.

"NOW!!" May narinig akong tumatakbo papalapit samin at ilang sandali pa, naramdaman kong nag'rerelax na si KZ kaya lumuhod na ako sa tabi niya at nakitang bumubukas-sara na ang mga mata niya. Hindi ko alam kung totoo ba o namalik-mata lang ako pero parang nakakita ako ng pag-aalala sa mga mata niya. Hindi ko pa siya nakitang umiyak mula ng mamatay ang dating Boss. Isa pa yun sa mga ikinakabahala ko dahil hindi lingid sa kaalaman namin na mababaw ang luha niya. Isa lang ang ibig sabihin nito: she's bottling her emotions inside.

"Tristan, call the doctor."

"Yes, boss."

"Kyran, kailangan mo yang ipatingin sa doctor ngayon." Napatingin ako sa kapatid ko tapos sa tiyan ko. Binunot ko na ang kunai at napamura ako sa sakit.

"I'm fine. I'll take her to her room." Bubuhatin ko na sana si KZ pero pinigilan ako ni Khyan.

"Ako ng magbubuhat sakanya. Sumama ka na lang at papuntahin na lang natin sa kwarto ni Zeph ang doctor." Tumango na lang ako at hinayaan siyang buhatin na si KZ. Naglakad na kami papunta sa taas samantalang sinimulan na ng mga tauhan namin sa baba ang paglinis sa ginawang kalat ni KZ. Hindi namin inaasahan na magwawala siya ng ganun.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora