CHAPTER 30

2.5K 77 0
                                    

KEIRA'S POV

~~~

"Ano ba talagang nangyari sainyong dalawa at hindi kayo nagpapansinan?" Tinignan ko ng masama si Erin dahil bigla na lang hinatak yung kinakain kong lollipop dahil wala akong supply ngayon ng marshmallows dahil yung dalawang taong nagbibigay sakin ay parehong hindi ako pinapansin. Well, pinapansin ako ni Ran pero hindi ko siya pinapansin dahil masama pa rin ang loob ko sakanya dahil dun sa mga sinabi niya sakin sa bahay. Naiiyak pa nga ako minsan kapag naaalala ko yun eh. Samantalang si Clyde naman ay hindi ako pinapansin. Ilang beses ko na siyang sinubukang kausapin kapag nasa room kami pero hindi talaga siya natitinag kaya hindi ko na lang muna siya pinapansin. Bibigyan ko muna siya ng time and space. Shit, parang magsyota lang eh. Kapag nagtagal pa ang hindi niya pagpansin sakin, babatukan ko na yan.

"Aba malay ko sa lalaking yan. Siya ang hindi namamansin eh."

"May LQ ba kayo, bunso?"

"Anong LQng pinagsasasabi mo jan? Di kami talo. Erin, akin na nga yang lollipop ko."

"Sabihin mo muna kung bakit di kayo nagpapansinan."

"Hindi ko nga kasi alam."

"Alam mo Kei, maglibot na lang kaya tayo sa campus dahil pare-pareho naman tayong mamaya pang 4 ang pasok?" Kumapit sa braso ko si Claire at nilaro ang buhok ko. May meeting ang faculty ngcollege namin kaya mamayang 4 pa ang klase naming lima.

"Oo nga. Parang ang tagal ka naming di nakasama eh. Boy hunting tayo." Si Von naman ang kumapit sa kabila ko pang braso at sabay silang tumayo ni Claire kaya napatayo na din ako.

"Teka! Yung bag ko!"

"Ako na ang magdadala. Parang wala naman 'tong laman eh." Inalog-alog pa ni Erin ang bag ko.

"Hindi ka na nasanay jan kay bunso na hindi naman talaga yan nagdadala ng libro."

"Tama. Tama. Ipupusta ko ang boyfriend ko, isang makapal na notebook, isang lapis, dalawang ballpen at saka pabango niya lang ang laman niyan. Sayo, Von?" Tinignan ko nang masama si Claire dahil sa sinabi niya. Ano namang masama dun?

"Hmm, yung mga sinabi mo na tsaka dagdagan pa ng sketch pad tsaka siguro yung phone niya, nandun din sa bag niya." Tumango-tango pa siya na parang siguradong-sigurado siya sa sinabi niya.

"Teka Von, wala kang ipinusta!" Biglang sigaw ni Erin. Tumawa lang sakanya si Daisy dahil magkasabay silang dalawa maglakad dahil nauuna kaming tatlo nina Von at Claire dahil nakahawak pa rin sila sakin.

"Ipupusta ko rin ang boyfriend ko." Ang lapad pa ng ngiti niya.

"Hoy mga babae, kelan niyo ba ipapakilala samin yang mga syota niyo?" Nagkatinginan lang sila at sabay na bumitaw sakin. Luh?

"Oo nga! Parang wala ngang pumuntang boyfriend sa birthday mo Von eh." Pumagitna samin ni Von si Erin kaya sinabayan na ni Claire si Daisy sa paglalakad sa likod.

"Siguro sa graduation na lang para present tayong lahat. Pareho silang may inaasikaso ngayon kaya mga busy yun at mahirap hagilapin." Si Von ang sumagot dun sa tanong ko tapos hinawakan niya ang kamay ni Erin at agad ding hinawakan ni Erin ang kamay ko. Nilaro ko naman ang kamay niya dahil ganito talaga kami kapag naglalakad-lakad lang, magkakahawak ng kamay.

"Ano namang pinagkakaabalahan nilang dalawa?" – Daisy.

"Hindi nila sinasabi dahil hindi naman daw kami member ng org nila kaya hindi pwede." Bigla akong napatingin kay Claire.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now