CHAPTER 5

4K 126 4
                                    

CHAPTER 5

~~~

KEIRA'S POV

Bakasyon ngayon kaya wala akong ibang magawa kundi kain, tulog, nuod ng movies, internet at laro lang kay Kookie. Since online ako ngayon, binuksan ko yung FB account ko. Online yung apat. Anong meron? Icha-chat ko sana sila para magtanong pero nag-chat na si Erin sa group.

Erin: Girls, punta tayong Torah University mamaya. Libutin natin ang bago nating school. ^^

Claire: Sure! Anong oras ba?

Keira: Sige, sama ako. Malapit na akong mabulok dito sa bahay.

Daisy: Commute lang ba tayo?

Von: Mga bandang 1:30 na lang tayo pumunta at oo, commute na din tayo.

Erin: Okay. Kei, sasabihan na lang namin ang driver na dadaanan ka na lang namin jan sa bahay nyo para sabay-sabay tayo.

Keira: Sige. Maghanda na kayo dahil baka ang 1:30 na yan ay mauwi sa 3:30. Out na ko. :*

Mabuti na lang pala at binuksan ko ang FB ko, may halaga din pala talaga yun kahit minsan. Inayos ko na ang kalat ko sa kama ko at nag-ayos na ako ng sarili. Naka plain aqua blue v-neck shirt lang ako at above the knee na maong short plus flipflops. Maglilibot lang naman daw kami tsaka bakasyon kaya wala naman sigurong masyadong tao dun.

Bumaba na ako at pumunta sa office ni Uncle habang karga-karga ko si Kookie. Magpapaalam lang ako na lalabas ako at hihingi na rin ako ng pera. Taghirap ang mga tulad kong studyante kapag bakasyon dahil walang allowance. Kumatok na ako sa pinto ng office niya.

"Pasok." Sabi ni Uncle galing sa loob kaya pumasok na ako.

"Uncle, lalabas la- oh, sorry, I didn't know na may bisita po pala kayo, Uncle. Nakakaabala ba ako?"

"Good afternoon, milady." Nag-bow nanaman siya sakin.

"Kayo ho yung pumunta dito dati, diba?" Ngumiti siya at saka tumango.

"Ako nga pala si Leo Salvador. Hindi ako nakapagpakilala sayo nung huli nating pagkikita."

"Ahh. Ako po si Keira. Nice to meet you, Tito Lei." Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Parang nabigla siya sa ginawa ko at tumingin siya kay Uncle na nginitian lang siya.

"Tito Lei huh. Parang panatag ka sakanya, princess." Si Uncle na ang nagsalita.

"Parang ganun nga po. Ahm, Uncle, magpapaalam po pala ako na lumabas. Pupunta daw kami ng mga kaibigan ko sa University na papasukan namin. Tsaka iiwan ko na lang din sayo si Kookie dahil hindi ko naman siya pwedeng isama."

"Torah University? Do you want me to make arrangements para sa pagpunta mo dun ngayon? I don't think accessible ang mga building ngayon since hindi pa start ng classes."

"Uncle, pupunta kami dun para I'check lang yung school. And you know that ayoko ng special treatment kahit na ba basically, sayo talaga yung institution na yun." Sinagot lang ako ni Uncle ng tawa niya. Nagdalawang-isip talaga ako kung sa Torah University ba talaga ako papasok o hindi. Kasi, ganito yun, basically, Ulysses Buenaventura – who is my Uncle, as you all know, has two universities under his name. However, magkaiba ang dalawang universities na to. First is Torah University – most people thinks that this one is a public school but this is actually not. That's just a façade and I don't know why they want people to think that this one is a public school. Sinabi sakin ni Uncle na higher-ups lang sa university ang nakakaalam nito and of course, few people from Buenaventura Empire na may direktang koneksyon sa university na to. Nalaman ko to noong sinabi ko kay Uncle na ito ang napili kong university. After graduation kasi, kinausap ako ni Uncle kung may napili na daw ba akong school dito kasi if wala pa, gusto niya akong mag-aral abroad which is ayoko kasi meaning, hindi ko makakasama yung mga kaibigan ko. The other school is Veda University. Now this one is a full-time private school. You know that general idea about private schools? School na puno ng mga matatalino at mayayaman pero masasamang ugali na mga kabataan? Well, that is the very definition of Veda University. Itong dalawang university na ito ang mga pinakakilala dito – both in a good and bad way and to top it off, these universities belong to my Uncle. Cool, right? But I don't want people from Torah University finding out my connection to Uncle as much as possible. I don't want them to treat me differently just because of that mere fact.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now