CHAPTER 15

3.3K 105 4
                                    

CHAPTER 15

~~~

"Keiraaaaaaaaaa!!!!" Nanlaki ang mata ko ng bigla akong dambahin ni Erin pagkatuntung na pagkatuntung ko pa lang sa 3rd floor ng building namin. Mabuti na lang at nakahawak ako sa guardrail para hindi kami mahulog ng hagdan. Tinignan ko ng masama ang tuktuk ng ulo ni Erin nung masigurado kong hindi nga talaga kami mahuhulog pero hindi niya inalis ang pagkakasubsob ng mukha niya sa dibdib ko at mahigpit pa rin ang yakap niya sa bewang ko. Maya-maya pa ay nagshe'shake na ang balikat niya kaya inalis ko ang pagkakayakap niya sa bewang ko at tinignan ko ang mukha niya at nabigla ako sa nakita niya.

"Wha- anong nangyari sayo??" Pinandilatan niya ako ng mata.

"Anong nangyari SAYO?! Hindi mo ba alam na halos mamatay na kami sa kakaisip kung ayos ka lang ba, kung ano na bang nangyayari sayo at kung ligtas ka ba?? Ha?!"

"Erin, te-"

"Ni hindi mo man lang kami tinawagan o kahit text man lang! My God! How could you?!"

"Sabi ni-"

"Halos mag-iisang buwan ka na naming hindi nakikita pero parang wala lang sayo!!" I pursed my lips. Hindi ko inakalang ang armalite ni Erin ang sasalubong sakin pagdating na pagdating ko dito.

"And the weirdest thing of all, sabi ni Clyde, hindi ka man lang daw hinahanap ng kahit na sinong prof! What the hell?! Ang tagal mo nang hindi pumapasok pero walang naghanap sayo kahit isang prof!" Of course walang maghahanap o magku'question sa pagkawala ko for almost a month since this institution is owned by my Uncle, he must have done something about my disappearance. I had enough kaya hinawakan ko siya sa balikat at itinulak ko siya para makadikit ang likod niya sa pader pero hindi yung malakas. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya, tinignan ko siya sa mata at nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Ito lang pala ang magpapatahimik sayo, sana kanina ko pa ginawa." Hindi siya nagsalita pero nakatingin pa rin siya sakin kaya nakipagtitigan din ako sakanya. Biglang may namuong mga luha sa mata niya kaya napapikit na lang ako at idinikit ko ang noo ko sa noo niya.

"I'm sorry. I'll explain things pero pumunta muna tayo sa iba, okay?" Tumango siya kaya umayos na ako ng tayo ko at hinintay siyang kumalma. Inakbayan ko siya at nagsimula na kaming maglakad.

"Nasan sila?"

"Nasa room niyo." Naglakad na kami papunta sa room namin at naabutan naming nakaupo lang dun yung tatlo samantalang nakatayo si Clyde sa may bintana.

Parang inulit lang nila yung ginawa sakin ni Erin kanina pero matapos ang ilang minuto, hinayaan na nila akong maupo.

"Okay, where do I start?"

"Anong nangyari sayo?" – Claire.

"Teka, sabi sakin ni Uncle, nakausap niya kayo. Anong sinabi niya?"

"That was 2 weeks ago at sabi niya, nasa ospital ka dahil sobrang taas ng lagnat mo." Lagnat?? Aish! Gagawin akong sinungaling ni Uncle eh!

"Right. So, I think that pretty much explained a lot of things."

"Bakit hindi mo kami tinawagan o tinext man lang?" – Von.

"About that, ano kasi, hindi ko alam kung saan ko nalagay ang phone ko eh. Sorry." At least ito, totoo.

"Magaling ka na ba?" Tumango lang ako sa tanong ni Daisy.

"Attention, everyone! Students are requested to proceed to the school grounds right now for the official opening of the school's Foundation Day. I repeat, students are requested to proceed to the school grounds right now for the official opening of the school's Foundation Day. Thank you."

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now