CHAPTER 22

2.7K 85 0
                                    


~~~

"We need to talk." Napalingon ako sa gilid ko dahil dun nanggaling ang boses. Nakita kong nakatayo dun si Ran at may hawak siyang mga papel. What now? Nandito kami ngayon ni Yan sa dining table at nag-aagahan kami. Actually, nakisabay lang siya sakin. May pasok siya ngayon kaya maaga siyang aalis. Bigla kong namiss ang mga kaibigan ko. I hope they're doing okay.

"'bout what?" Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko ng oatmeal.

"About what you did last night."

"Kyran, are you seriously doing this?"

"Tanungin mo siya kung ayaw mong maniwala sakin."

"I won't believe you because that's just ridiculous."

"Ask her."

"No." Nakikinig lang ako sa usapan nila. Alam ko na naman kung anong ibig sabihin ni Ran at thankful ako dahil naniniwala pa rin si Yan na hindi ko yun kayang gawin pero palagi na silang nag-aaway dahil jan kaya mas mabuting malaman na din ni Yan galing sakin para maniwala siya sa kapatid niya.

"The autopsy report tells that there are traces of Strychnine in her body." So, autopsy report yang hawak niyang papel?

"Strychnine? That's a rare poison."

"You think that's rare? The Laboratory Department of the Colony imports Strychnine every month for some of their experiments." Tsk. Oo, sa Colony ko kinuha ang dala kong syringe kagabi pagpunta namin sa Black Zone pero walang nakakaalam na kinuha ko yun doon.

"I did it, alright." Kahit hindi ko sila tignan, alam kong pareho silang nakatingin sakin ngayon.

"Wha...why?"

"Because I want to do just that." Biglang sumuntok si Yan sa lamesa kaya medyo nagulat ako. Nakatayo na din siya ngayon.

"Are you out of your mind?!?"

"Guess so." Uminom na ako ng gatas dahil parang hindi na ako makakakain ng maayos nito.

Nagsimula na akong sermonan ni Yan. Magkapatid nga sila. Halos nasa isang linya lang ang pinagsasasabi nila sakin eh. Kesyo sobrang delikado daw, baka daw kung mapaano ako and the likes. Hinayaan ko lang siya. Oras niya 'to para maglabas ng himutok niya. May mga nagsisidatingan na ring ibang guardians ko dito sa dining hall pero kapag nakita nilang kaming tatlo lang ang nandito at galit na galit ang Boss nila, umaalis din sila kaagad. Good thinking. Ilang minuto din ang tinagal ng mga pinagsasasabi niya.

"Naiintindihan mo ba ako, Zeph?!"

"Yeah but Grim Reapers is an independent organization. They are hired assassins and they only have 4 members. Oh sorry, isa na lang pala." Ang ikinakabahala niya kasi is ang paghihiganti daw ng mga kakampi nila sa mga pinag gagagawa ko. Sinong maghihiganti? Ang leader ng grupo nila? I'll deal with him ngayong araw para matapos na ito.

"How the hell did you even managed to kill all three of them all by yourself?!" Tinignan ko siya at seryoso ang mukha niya ganun din si Ran na kanina pa tahimik.

"Don't you get it? Malakas lang sila kapag magkakasama silang apat pero kapag mag-isa sila, not so much. That's how I managed to do what I did." Para namang naintindihan nila ang ibig kong sabihin kaya tumayo na ako. May kailangan pa akong asikasuhin.

"Where do you think you're going?" Tinignan ko ng masama ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Mall."

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now