CHAPTER 26

2.7K 78 0
                                    

CHAPTER 26

~~~

Ito ang unang araw ng pagpasok ko sa Torah University simula nang mamatay si Uncle. Actually, ito din ang first day ko ngayong school year. Senior students na kami ngayon. Naisip ko na sorpresahin ang mga baliw kong kaibigan. Matapos ang pag-confront sakin nina Ryu-nii, Ran at Yan, natauhan ako na hindi ko naman kailangang solohin ang mga problema ko. Medyo nagi'guilty rin ako dahil simula nang umalis ako sa bahay nina Erin, hindi na ako ulit nagparamdam sa kanila. Gugulatin ko na lang sila at baka makalimutan nila ang atraso ko. Anyways, I also talked to my guardians na nakatoka sa pagbantay sa kanila and they told me that somehow, there's a group of girls na parang pinagtitripan ang mga kaibigan ko. I actually doubted it because knowing Erin, she'll not let anyone bully her except for me. Pero ang nakakabahalang parte lang ng report nila sakin is that Clyde or should I say, Phoenix tried to help them deal with the girls pero ayaw nung apat. I just don't get it kaya naman I'll find out more about it today.

Since hindi ko sila kaklase, maliban kay Clyde, baka lunchbreak na kami magkita-kita. Nagpaluto ako kay Manang ng mga paborito nilang putahe. Dadaanin ko sila sa suhol. Sigurado namang hindi nila ako matitiis eh. Yan ang advantage ng pagiging bunso *winks*

Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Ran. Nagkagulo silang mga lalaki sa bahay kanina dahil pinagtatalunan nila kung kanino ako magpapahatid dahil nalaman nila na papasok na ako ngayon. Kahit nga si Yan na hindi naman nakikisali sa mga ganyang kalokohan ay nakigulo din kanina. Habang nagbabangayan sila, umakyat ako sa kwarto ko para sana kunin ang susi ng sasakyan ko pero nadatnan ko sina Cloud at Xander na kakalabas lang ng kwarto ko at may tig-isang hawak na susi. Nang makita nila ako, kumaripas sila ng takbo. Hindi ko na sila hinabol dahil may takong ang suot kong sapatos ngayon at saka malay ko ba kung saang lupalop pupunta ang dalawang yun. Graduate na silang tatlo ng college kaya tambay sila sa bahay. Sabi nga nilang tatlo, dapat daw ay graduate na din yung kambal pero dahil sa dami ng mga training na ginawa nila, na'delay sila ng isang taon. Kahit naman kasali sila sa mafia, mahalaga pa rin ang edukasyon plus the fact na may kailangan silang patakbuhing mga kompanya in the near future dahil sa family business nilang lima. Mga mayaman ang pamilya ng limang yan. Bumalik ako sa baba ng nakabusangot tapos nakita kong hindi pa rin sila tapos sa kalokohan nila kaya nagsimula na akong magbilang. For some reasons, bigla silang natahimik at tumingin sakin tapos biglang sumigaw si Ran ng "I'll drive her and that's an order" so, here we are.

"Here." Lumingon ako sakanya dahil nagbabasa ako ng mga messages sa phone ko na matagal ko ng hindi ginagamit. Karamihan ay mga texts at missed calls nung lima, kay Ryu-nii at meron din si Nam Tae-oppa. Pinakamarami kay Clyde. May inabot saking isang pack ng marshmallows si Ran na agad ko namang kinuha. Tumawa lang siya sa ginawa ko.

"Sige, tumawa ka lang dahil hindi ka pwedeng tumawa kapag hindi mo ako kasama. Anong nakain mo at binigyan mo ako nito?" Binuksan ko na agad at nilantakan na. Hindi ko na siya binigyan dahil hindi siya nakain ng ganito. Nagsusuka daw siya eh. Ang arte niyang lalaking yan. Oo nga pala, kahit na alam naming may gusto kami sa isa't-isa, hindi kami naging awkward. Parang nagkaroon lang kami ng mas malalim na koneksyon kaya ang saya lang.

"Wala naman. Napansin ko kasing palagi kang kumakain ng ganyan." Tumango na lang ako at nagpatuloy na sa pagbabasa.

"Ran, thanks."

"Para san?"

"Hmm? Dito sa marshmallows. San pa ba?"

"Nevermind." Tinignan ko siya kasi natatawa siya eh. Bahala nga siya jan.

"Ran."

"Hmm?"

"Pumunta ba sa bahay si Clyde simula nang umalis ako kina Erin?"

Mafia of Mafias [COMPLETED]Where stories live. Discover now