CHAPTER 21

2.8K 77 0
                                    


~~~

"Aish! Where the hell is this place?!?" Binagsak ko ang mouse ng laptop ko dahil hindi ko mahanap-hanap kung nasan ba ang Black Zone na ito. Gamit ko na ngayon ang Z.E.U.S pero hindi ko pa rin makita. Napag-alaman ko kasing may laban dun sa Black Zone na yun ang sunod kong target. Since isa yung underground fight, I thought na mahahanap ko yung lugar gamit ang Z.E.U.S ko pero hindi pala. I have no other choice then. Pinatay ko na ang laptop ko at bumaba ako papunta sa entertainment room ng bahay. As expected, andito nga siya. Nagsitayuan sila at nag'bow sakin pero nakatingin lang ako sa nag-iisang lalaking hindi tumayo at pinagpatuloy lang ang paglalaro niya.

"Silverio." Parang wala siyang narinig. Ganyanan? Fine.

"Okay, since walang Silverio dito, sainyo na lang ako magtatanong." Tinignan ko sina Tristan na nakatayo pa rin.

"Sinong nakakaalam kung nasaan ang Black Zone?" Tinitigan lang nila ako at pati na rin si Ran, tumigil na din sa paglalaro.

"Well?" Tinaasan ko sila ng kilay dahil parang wala silang balak na magsalita.

"Ehem, uhh, sasamahan ka na lang namin, milady."

"Bakit? Hindi ba pwedeng ituro niyo na lang kung nasan yun?"

"Iwan niyo muna kami dito." Tumayo na si Ran at pinagpag ang damit niya na may mga maliliit na chips.

"Don't." Humakbang ako pabalik sa may pinto at dun ako pumwesto sa gitna. Nagpalipat-lipat ang tingin nina Tristan, Carl, at Justin saming dalawa ni Ran.

"Sasabihin mo lang naman sakin kung nasan ang lokasyon ng lugar na yun eh. Bakit kailangan mo pa silang paalisin? Obvious naman na alam din nila kung nasaan yun." Walang nagsalita sa kanila. Ano bang problema nila?

"Fine. Don't tell me." Tumalikod na ako sa kanila para hanapin si Yan pero may humigit sa kamay ko. Paglingon ko, si Ran.

"*whistles* That was fast."

"Sasamahan ka namin." Okay, di niya pinansin ang sinabi ko. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Okay. Aalis tayo mamayang 7. Gagamitin ko si Race kaya magdala din kayo ng sarili nyong sasakyan." Alas sais na din naman kaya dumiretso na ako sa kwarto ko para mag-ayos at umalis na din kami.

Pwede bang sakalin ko na itong si Ran? Nakakainis! I'm in the middle of a freaking convoy. Kulay pula si Race kaya napagpasyahan nilang iba-ibang kulay ng kotse ang gamitin. Para nga kaming rainbow eh. Mabuti na lang at gabi na kundi masyadong agaw pansin ang pinag-gagagawa ng Kyran na yan. At nakuha pang sumama ni Yan. Actually, sampo silang sumama kaya labing-isa kami lahat. Para pupunta lang kami sa Black Zone na yun eh. Ang OA nila, para namang pupunta kami sa isang...

"OH SHIT!"

"Fuck! What happened?!?"

"Milady??"

"Boss?" Aray naman! Sumakit ata ang tenga ko dahil sa mga sigaw nila.

"Geez, I'm fine. What exactly is this Black Zone?"

"Papatayin mo ba kami sa kaba???"

"Ano ba! Gusto mong tanggalin ko 'tong earpiece ko?!"

"Children. Don't scare us like that again, Zeph."

"Fine. Sagutin mo nga yung tanong ko, Yan. Parang ikaw lang ang matinong kausap dito eh."

Mafia of Mafias [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant