CHAPTER 24

2.6K 83 2
                                    


~~~

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang maisipan nina Cloud na I'test ang kakayahan ko. Nakaset na rin ang pagpupulong ng lahat ng miyembro ng Genesis sa Black Zone mamaya. Iniisip ko nga ngayon kung anong sasabihin ko sa kanila eh. I'm not good with speeches, you know? Napabuntong-hininga na lang ako.

"Ang lalim nun, Big Boss. Mukhang may problema ka ah." Tinignan ko si Cloud na kinakain ang hinanda kong oatmeal para sana sakin pero inagaw niya kanina. PG ang isang yan eh.

"Are you thinking about the meeting?" Tumango na lang ako sa tanong ni Clark. Sa kanilang tatlo, siya ang minsan lang magsalita pero may sense most of the time. Sa tingin ko din, may pagkakapareho kami. Kadalasan, nakikinig lang at hindi nagsasalita pero mas naiintindihan namin ang sitwasyon kapag ganun. Ganun ako sa mga kaibigan ko eh. Kadalasan, sila lang ang nagtatalak at nakikinig lang ako. Though, most of the time, mga walang kwentang bagay lang naman ang pinag-uusapan nila. Kamusta na kaya ang mga baliw na yun? Hayy.

"Pangalawang buntong-hininga na yan sa loob lang ng isang minuto. Malala na yan, Big Boss." Inirapan ko lang si Xander na kumakain ng saging.

"Teka nga, bakit ba nandito pa rin kayong tatlo?" Tanong ni Ran na nagkakape.

"Gusto ko ding itanong yan. Nakakasikip na kayo dito sa mansion." Sabi naman ni Yan na nagbabasa ng dyaryo. Actually, nandito kaming anim sa hapag dahil nag-aalmusal ako mag-isa dito kanina tapos bigla naman silang sumulpot at nag-ingay. Nung isang araw pa pinagtatabuyan ng kambal silang tatlo at dun daw sa kabilang bahay tumuloy. Ang kabilang bahay kasi ay ang nagsisilbing quarters ng mga guardiands ko at ng iba ko pang mga tauhan kapag nandito sila. Samantalang ang nandito sa main house ay ako, yung kambal at ang mga kasambahay namin at ngayon ay may dagdag na tatlo. Ayos lang naman sakin kung dito lang silang tatlo since sobrang laki naman ng bahay na ito kung kami-kami lang ang nandito.

"Nandito din naman kayong dalawa ah!" Cloud.

"That's different. She told us to stay here with her." Ran.

"Royal Guard niya rin kami kaya dito na din kami titira." Xander.

"Nuh, you can't." Yan.

"And why's that?" Clark.

"Dahil sinabihan niya kaming mag stay dito as the Head of Tenebrous and Lucent Units, not as her Royal Guards." May ngiting tagumpay naman sa mukha ni Yan nang sinabi niya yun kay Clark. For the past three days na nandito silang lima, napansin ko na palaging nagsasagutan ang dalawang yan. Pareho silang bihira magsalita pero kapag si Yan kasi, mahilig siyang mang trip eh. Tatawa na lang yan ng bigla tapos mang-aasar.

"Tss. Hindi kami kasali sa dalawang faction ng Genesis. Independent ang Royal Guards kaya gagawin namin ang gusto namin." Sabi ni Xander at nilapag sa mesa ang kinakain niyang saging. Nakikinig lang ako sa kanila. Tumitingin ako sa kung sino ang nagsasalita.

"Magsi'stay lang kayo dito, kapag pumayag si Zeph." Yan.

"Ha! Papayag siya at sigurado ako dun. Pustahan pa tayo eh." Sabi ni Cloud. Parang hindi na nagsasalita si Ran kaya tumingin ako sakanya pero nagulat ako nang makita kong nakatingin din siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay pero nag-iwas lang siya ng tingin. Okay? Nagpatuloy lang sila sa pagbabangayan at nakisali na ulit si Ran. Para silang mga kinder sa asal nila eh.

"Kei-chan?" Napatigil silang lima at sabay-sabay silang tumayo at nag-bow sa bagong dating.

"Ryu-nii? What brings you here?"

Mafia of Mafias [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora