CHAPTER 6

3.6K 110 3
                                    

CHAPTER 6

~~~

. . . AFTER TWO YEARS . . .

KEIRA'S POV

Wahhh!!! Andaming tao dito. Nandito kami ngayon ni Von sa bahay nina Claire. Fiesta ng patron ng lugar nila kaya may handaan. Maya-maya, gagala kaming tatlo tapos pupunta kami sa bahay nina Daisy at Erin – taga dito din sila. Ako lang naman ang hindi taga dito saaming lima dahil centro 'to samantalang yung bahay namin ay medyo isolated dahil sa lawak ng lupa ni Uncle.

"Psst! Dito tayo sa loob. Kain muna tayo bago gumala. Dali! Excited na akong makakita ng mga gwapong ginoo." Sabay tawa. May topak talaga 'to minsan si Claire. Pumasok na kami para hindi na din kami matagalan dito para madaming oras para sa paggala. Nagpaalam na din naman ako sa amin na hindi ako uuwi ngayong gabi kasi makikitulog ako sa kung kaninong bahay sa kanilang apat – andami kong pwedeng pagpilian.

"Von, palagay nga nitong salamin ko jan sa bag mo. Mamaya ko na gagamitin paglabas natin."

"Bat ba kasi wala kang dalang bag?"

"Ano namang ilalagay ko? Itong salamin ko lang? Abala lang yun."

"Alam mo Kei, hindi masamang magdala ng salamin, polbo, pabango at pati lipstick ang isang babae." Diniinan niya pa sa word na 'babae'.

"Lalaki ako." Walang gana kong sagot pero humagalpak siya ng tawa.

"Oo na lang sayo. Akin na nga." Inabot ko na yung lalagyan ng salamin ko. Kukunin din naman pala, andami pang sinabi.

"Oi! Kain na kayong dalawa. Ang bagal huh." – Claire.

"Excited much?" – Von.

"Di naman." – Claire.

"Taglandi ba ngayon? Bat naka'sleeveless ka babae??" Wengya, nakasuper long sleeves akong plain gray, naka ¾ na pink na may blue si Von tapos pagdating kay Claire, sleeveless na black. Astig ng trip namin sa damit – note the sarcasm.

"Tinatamad akong magpalit. Hindi naman ata malamig sa labas eh."

"Malamig kaya. Wag kang didikit sakin kapag nilamig ka mamaya, who you ka sakin." Sabi ni Von sabay subo ng pagkain.

"Bat naman ako didikit sayo?" Takang tanong ni Claire.

"Kasi nga diba, hot ako." Sabi ni Von na may duh-tone.

"Ahhhhhhh. ok." Tapos bored ko siyang tinignan. Joke ba yun? Ang waley niya.

"Kumain na nga lang tayo. Panira tong si Keira eh. Hmp!" Sabay busangot. Tumawa ako ng malakas para lalo siyang maasar. Wala, trip ko siya ngayon dahil wala si Erin.

Kumain na kaming tatlo habang nanunuod ng TV. Feel at home kami dito kasi sanay na samin ang parents ni Claire, lagi kaming tumatambay dito simula highschool pa lang pero medyo nabawasan na ang pagtambay namin dito simula nang mag'college kami.

"Hmm. The salad's great. Sinong gumawa nito?" Tanong ko. Ang sarap nya, infairness.

"I did." Taas noong sagot ni Claire.

"Cocky much?" Nakangising tanong ni Von.

"What? I really did."

"Oh sige, edi ikaw na magaling gumawa ng salad. Tss." Bitter ako sa mga marunong magluto o basta gumawa ng pagkain. Wala akong hilig sa pagluluto pero alam ko naman kung paano ginagawa. Tinatamad lang talaga akong kumilos pag ganyan.

Mafia of Mafias [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz