CHAPTER 32

2.7K 67 0
                                    

KEIRA'S POV

~~~

"Mauna ka na sa loob, KZ. Ipapasok ko lang itong kotse mo." Bumaba na ako kay Race at pumasok na sa bahay pero kakapasok ko pa lang nang makita kong nagrarambulan nanaman si Xander at si Cloud.

"Geez, mga ilang taon na ba kayo?" Agad silang lumingon sakin at ngumiti lang. Tss. Umupo na ako sa sofa at kinuha ang remote na hawak ni Clark.

"Hey! Wag mong ililipat yan."

"Replay na yang pinapanuod mo eh. Dun ka sa entertainment room manuod dahil gusto kong manuod dito."

"Mas nauna ako sayo dito."

"Kaninong bahay ba 'to?"

"Sabi ko nga." Hindi ko na sila pinansin dahil ang gugulo nanaman nila at nakisali pa si Ran. Hay naku, nasan kaya si Yan para may manermon sa mga midget na 'to.

"Oo nga pala, ano nang balita sa Sphinx? Umaaligid pa rin ba sila sakin?" Naupo sila ng maayos at humarap sakin.

"Tumigil na ang mga miyembro ng Sphinx, Big Boss pero napapadalas ang pagsulpot ng isang lalaki sa mga lugar na pinupuntahan mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Cloud.

"Lalaki? Sino?"

"Ash Trinidad." Ran.

"Yung kuya nung cute na batang nag-aaral sa Laboratory? Baka naman nagkataon lang na nasa isang lugar kami?"

"I don't think so. Kung nasaan ka, nandun din siya but it's obvious that he's keeping his distance." Clark.

"For what reason?"

"We don't know yet. Tatanungin na ba namin siya ng direkta?" Xander.

"Hanggat wala siyang ginagawa, leave him alone but keep an eye on him. He's not a member of Sphinx, right? So, technically, wala siyang kinalaman dito."

"Pero alam natin na malapit siya sa mga miyembro ng Sphinx." Ran.

"Kahit na. Kapag ba nasa iisang lugar kami, may kasama siyang ibang miyembro ng Sphinx?"

"Wala." Cloud.

"Yun naman pala eh. I don't think he knows what's going on."

"Pero masama ang kutob ko sa biglaang pananahimik ng Sphinx. It's as if they're planning something."

"Clark, don't be paranoid. Just keep up what you're doing and update me once in a while."

"Roger, Big Boss."

Nanunuod na ako ulit ng TV nang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko na kahit hindi ko pa nakikita kung sinong tumatawag dahil base sa ringtone, isa yun sa mga kaibigan ko.

"Yes?"

"Mall tayo, bunso."

"Ngayon na?"

"Oo dahil maghapon kaming tulog. Papunta na kami jan sainyo. Si Erin at Claire lang ang nagdala ng kotse."

"Ano ba yan. Bat ngayon lang kayo nagsabi? Ibababa ko na 'to para magbihis. Kadarating ko lang sa bahay eh."

"Sige, bilisan mo dahil malapit na kami."

"Fine. Wag na kayong pumasok. Antayin niyo na lang ako sa labas. Dadalhin ko si Chase."

Mafia of Mafias [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن