Prologue

599 7 0
                                    

Ang lahat ng bagay ay pwedeng maging favorite mo... o pwedeng magustuhan mo lang. Wala ring permanente dahil pare-pareho silang nagbabago o nawawala. Which means halos lahat ng tao sa mundo ay nagiging motto na ang YOLO or You Only Live Once.

Gagawin mo ba ang makakaya mo para sa lahat? Pamilya, kaibigan o sa ngalan ng pag-ibig man yan?

Papaano kung sa isang bagay o pangyayari na hindi mo inaasahan ay magpapabago sa takbo ng buhay mo?

Paano kung may mawala?

What if mapalitan pero hindi mo alam kung anong dahilan?

Kaya mo pa bang tanggapin ang katotohanan at tahakin ang bukas kasama ang mga bago?

Pumasok ako sa isang 'company' na akala ko ordinaryo, simple at boring.

Pero mali ako.

Dahil ang 'company' na 'to ay isang paraan na magpapaiba ng buhay ko.

Ako si Kiera Moreda. Tara, sama ka sa aming 'company'...

The CompanyWhere stories live. Discover now