Chapter 8: Quiz

45 3 0
                                    

Ghenea 
  
  
  
Love? Duh.

Hindi ko ba alam kung bakit ito na naman ang naririnig ko kay Coline. Sino kaya ang ewan na nagpapaalala sa ex niya?

Alam ko na, baka ang kutong lupa na 'yon ang may kasalanan.

Sa ngayon, nasa library ako at si Fierce lang ang kasama ko na abala rin sa pinag-aaralang libro.

We have a quiz for tomorrow in College Algebra.

To tell you honestly, magkakaklase kaming lahat na nasa club sa isang subject na 'yon. I don't know how it happened but I guess, benefit na rin 'yon ng iba sa kanilang mga sarili.

Lalo na si Ban.

"Are you already finished?" tanong ko kay Fierce na nakangiti sa akin matapos isara ang kanina lamang ay binabasang libro.

"Yup. Nakapag-aral na ako kagabi."

Bakit ba ito nakangiti sa akin? Ang prangka na nga minsan ng sinasabi ko sa kanya pero yung expressions niya akala mo laging napupuri ang kabutihan.

"I also studied last night. But I am not contented on what I had read."

Ayoko pa ring tumunganga na lang ngayon gaya niya dahil baka makalimutan ko ang mga pinag-aralan ko sa Algebra.

"Ok. Gutom kana ba? Gusto mo bang bumili ako ng pagkain?"

"Nagpapatawa ka ba? Kailan pwedeng kumain sa loob ng library?"

"Hindi ko naman sinabing dito pa rin tayo kakain. Dederetso na tayo sa Engr. Building kapag nakabili na ako."

Ok?

"Fine. Order our usual snacks. Hihintayin na lang kita sa waiting shed after kong ibalik itong mga books."

"Sure. But please be careful. Huwag kanang magkakalat ng libro."

"Just go!" Ang daming sinasabi.

Umalis na si Fierce na nakangiti pa rin at naiwan akong mag-isa sa table namin.

We are both taking BS Political Science program because we want to pursue our dreams being a lawyer someday.

Pareho rin kaming mula sa pamilya ng mga politicians kaya di mo masisising magkatulad kami ng gustong pangarap sa buhay.

His father was the governor of our province and my father was the congressman.

Kilala silang dalawa bilang magkumpadre kaya halos sa lahat ng eleksyon ay sila ang nagpapalitan ng pwesto.

Our families were loyal and true friends in each other. Kaya ko nakilala si Fierce bago pa man namin maging kaibigan sila Sine ay dahil na rin sa politika.

Pero kahit na isa akong anak ng politician, my identity is just a simple and ordinary in the eyes of everyone.

Ayoko rin kasi ng maraming tao na nakakakilala sa akin. I remain being an ordinary person.

At ang opposite ko ay si Fierce. A guy who's so humble and kind na kung saan ay sa kabila ng pagiging tahimik at palangiti, maraming nahuhumaling sa kanyang babae.

At isa na... ako don.

Just kidding.

Ayoko sa kanya. Kahit na botong-boto sila Dad at Tito Fernand (Fierce's Dad) sa akin, kahit kailan ay hindi ko gustong siya ang makakatuluyan ko.  
  
 
 
◆ ◇ ❀ ◇ ◆  
  
  
  
"Ghenea!" 

Right after 30 minutes of waiting him under the shed, dumating na rin sa wakas si Fierce na nakangiti pa rin kahit ang daming bitbit na pagkain.

"Mabuti na lang at may available na ham and cheese empanada sa cafeteria. Muntik na ulit akong maubusan."

The CompanyWhere stories live. Discover now