Chapter 9: Being a Representative

63 3 3
                                    

Shen  
  

 
"Pacheck mo kay Head Mantis ang advertisement. Kung magrereklamo ulit ito, ibalik mo sa akin ang papel at ako na ang bahala."

Ayun lang ang sinabi ng magaling kong pinsan bago lumayas ng club room.

Ilang araw ng kakaiba ang ikinikilos ni Sine matapos ang Great Punishment niya sa aming lahat.

Fine! Hahayaan ko muna ang tantrums niya ngayon dahil naiintindihan ko kung bakit siya ganon.

It is not about Zera and other's trick why he become so mad on us. Kahit ako ay nadamay rin sa pagiging bad trip niya dahil lang sa hindi ko napigilang makalapit si Kiera sa Head.

And another thing is he's too upset about M.A.'s whereabouts. 
 
 
 
Head Office 
 
 
 
Pagkapasok sa office ng Head, aligaga sa pag-aayos ng mga files si Head Mantis na nagmumukha ng mad scientist dahil sa kaguluhan ng mga gamit... at itsura niya.

"Sir, magpapasa po ng advertisement--"

Nang mapansin niya ako, bigla itong lumapit sa akin at pinagtaasan ako ng noo.

"Kasama mo ba ang anak ng Director?"

"Hindi po, Sir--"

Mala-flash nitong isinara ang pinto ng office at hinablot ang papel na hawak ko.

"Mabuti naman kung wala. Sige, maupo ka muna."

Umupo ako sa bakanteng seat malapit sa kanyang table. Sinimulan niyang tingnan ang papel at sinuring mabuti ang advertisement namin.

"Ang flash drive?"

"Ito po." at iniabot ko sa kanya yung USB na kasama ng papel.

Walang paligoy-ligoy na nagka-stamp ang papel at agad ibinigay sa akin ito.

"Sir, may tanong po ako."

"Galing ba 'yan sa anak ng Director?"

"No, sir. Bakit hindi po ako dumaan sa matinding sermon?"

Tumaas ang isa nitong kilay. "Ineng, baka gusto mong bawiin ko ang desisyon ko?"

Umiling na lang ako at nagpasalamat sa kanya bago umalis ng office.

"Hay nako, ibang klase ang nangyayari sa araw-araw."

"Job well done."

Biglang may lumapit sa akin na lalaki at hinigit bigla ang dala kong papel.

"Job well done pero tinakot mo na naman ang Head ng Club Organization?"

Ngumisi ito habang nakatingin sa papel. "Bakit ko naman siya tatakutin?"

"Pwede ba tayong mag-usap, Sine?"

"Para saan? Tungkol sa Great Punishment?"

"Hindi 'yon. Basta, sumama ka sa akin."

Sa old main building ulit kami pumunta para mag-usap. Hindi na kailangan nila Ghenea at ng iba na marinig ito. Gusto ko lang makausap ang pinsan ko tungkol sa mga bagay na nagpapagulo sa isip ko kagabi pa.

"Kakausapin kita hindi bilang club member mo. Makikipag-usap ako bilang pinsan or Nee-san sa'yo."

Nakatingin lang ito sa akin na para bang hindi interesado sa itatanong ko.

"Ano bang problema? Bakit parang paiba-iba ka ngayon? Mula noong pumunta si Kiera sa Head ganyan kana."

"I have no problem at all. What's with that doubt?" sagot nito sa akin.

The CompanyWhere stories live. Discover now