Chapter 14: Vacant

30 1 0
                                    

Shen  
       
    
    
This is it. After ng mabilis na panahon, School Festival at Sports Fest na. 
 
"Shen-girl, patali naman sa right arm ko yung arm band."

Ako ang nag-aasikaso sa mga babae dahil wala akong gagawin ngayon. Kahit na napag-isipan kong maglaro sa Sports Fest, hindi ko na ito itinuloy pa.

"Ayan, ok na."

"Thank you."

"Basta galingan mo mamaya. Pero alam ko namang mananalo ka ulit dahil black-belted kana since before."

Nakangiti siya sa akin at ako naman ay pinapanood ang iba na nag-aayos.

Zera was like a priestess from her suit. She resembles someone from an anime series that Sine loves to watch.

Si Ghenea ay handa na rin ang uniform para sa fencing. Hindi pa nga lang naka-suot sa kanya ang protective gear.

Naka-karate outfit naman si Coline habang nakapuyod ang buhok.

Matapos ang paghahanda nila, ang tatlo ay umalis na kaya naiwan akong nag-iisa sa loob ng headquarters.

"Wala rin naman akong gagawin dito. Saan kaya makatambay?"

Hindi ko na panonoorin silang lahat sa laban dahil sure na akong makakamit nila ang championship.

Habang tinitingnan ko ang buong paligid, mistulang naka-imagine ako ng isang umilaw na light bulb sa gilid nang may maalala.

Umalis ako sa abandonadong building at bumalik sa maayos na quadrangle ng school.

Panay ang ilag ko sa bawat taong madadaanan ko dahil maari ko silang mabunggo.

"Sana naman at nandito siya ngayon sa univ?" bulong ko sa sarili.

Nang mapatapat ako sa isang booth, tumigil ako sa paglalakad nang may humawak sa balikat ko.

"Hindi mo ba panonoorin sila Lineng?" tanong ng taong nasa likuran ko.

Akala ko naman kung sino yung humawak sa akin. Si Rick lang pala.

"Nakita mo ba si Kiera?" imbis na sagutin ang tanong niya, mas pinili kong itanong yung kanina ko pang hinahanap.

"Ang pagkakaalam ko ay absent siya ngayon."

Nagpaumanhin ako na hindi ako sasama sa kanya para panoorin ang laban nila Zera. Tumakbo ako papasok ng main building para pumunta ng IT Lab.

"O, Sherlyn. Naligaw ka dito." bungad sa akin ng isang student assistant sa IT Lab.

"Soa, pacheck naman sa system kung nag-log in si Kiera Moreda."

Kumunot ang noo ni Soa nang banggitin ko ang pangalan ni Kiera.

"Ms. Moreda? Bakit mo kailangan malaman kung nag-in siya ngayon sa campus?"

"May kailangan lang kasi siyang asikasuhin sa club namin. Patulong naman."

Pumayag si Soa na tingnan ang log sa system ng university. At nakumpirma niya agad na hindi pumasok si Kiera ngayong araw.

"Sabi ko na nga ba at hindi siya papasok ngayon." bulong ko sa sarili.

Hindi muna ako lumabas ng laboratory dahil nag-iisip pa ako ng paraan kung paano makakausap si Kiera.

"Hindi ka pa umaalis. Baka mamaya may laro ka." sabi ni Soa na sa ngayon ay abala sa computer.

"Wala akong sinalihan na laro."

"Focus masyado sa acads. Baka kulangin ka sa extra points."

Nagulat ito nang mahampas ko ng kamay yung katabi niyang CPU.

The CompanyWhere stories live. Discover now