My Ai

100 3 0
                                    

Kiera



And our performance has ended without any hindrances.

Muling namatay ang spot light kahit patuloy lumalakas ang sigaw ng mga tao.

They are cheering for us. They love us for who we are.

No.

I am still behind my mask. Hindi pa rin nila gusto ang tunay kong pagkatao.

As the MC has announced that Zera and Regne would be the next performer, umalis na ako sa entablado para makapagpahinga.

It's already over. Our time has already ended. Even though it's already finished, we are both happy that we performed well for the audience.

Pagkabalik ko sa back stage, walang tao dito kundi ako... at Sine na sumunod pala sa akin.

"Kiera."

Nilingon ko siya sa likod matapos niya akong maabutan. Patuloy siya sa paghabol ng hininga dahil tumakbo siya para maabutan ako dito.

He might get collapsed due to tightening of chest.

Gusto ko siyang tulungan pero mayroong pumipigil sa akin na lapitan ko siya.

Mabuti na lang at bumalik ang normal niyang paghinga matapos ng ilang segundo.

"Sine, bakit patuloy mo akong hinahabol?"

I am not asking you to chase me as I'm walking out of your sight. You don't need to waste your time by getting my attention.

"You shouldn't let yourself be killed. May asthma ka. Hindi mo kailangang habulin ang tao na magpapahamak sa'yo."

Nanatiling nakatayo sa harap ko si Sine habang tahimik na nakatingin sa akin.

"Would you like to know my history?"

Magsasalita pa sana siya nang itaas ko ang aking kamay para hindi niya ituloy ang gustong sabihin.

"I left my former school because no one wants me to exist. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila ng isang taong tulad ko. They keep bullying me."

Ipinakita ko sa kanya yung palad kong may manipis na peklat.

"This is the worst pain I had before. Iniligtas ko ang best friend ko matapos niyang magtangkang magpakamatay. And do you know what happened next? She twist the whole damn story! Lahat sila, inakala nilang pinagtangkaan ko ang buhay ng best friend ko."

That's why I also know what Sine had felt after Constant's betrayal on their group.

"Isa pang masaklap na parte ng aking nakaraan, tinakasan ko ang buhay naming mahirap. Kasi hindi ko tanggap na hanggang doon lang ako. Pinipilit nila akong sumuko sa pangarap na 'to. Akala nila, imposible ang pagpasok ko sa Zeph University. Lahat na lang sila kumokontra sa buhay ko!"

Dahil sa mga sinabi ko, hindi ko na napigilan pang umiyak. Ngayon lang ako nagsabi ng tunay kong nararamdaman.

Sobrang bigat.

Sobrang sakit.

Dahil sa lahat ng dinanas ko noon, sumabog na rin ako sa galit na nagbigay ng masamang imahe sa mga mata ng tao.

I am cruel.

I am selfish.

I am not true.

Mapagpanggap.

Sinungaling.

At higit sa lahat, may ugali 'daw' ako.

Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak dahil may pagkakataon na akong makalaya mula sa sakit na 'to.

The CompanyWhere stories live. Discover now