Chapter 50: Together

102 1 0
                                    

Soundtrack for this Chapter: Bring Me To Life by Evanescence
   
   
     
◆ ◇ ❀ ◇ ◆    
     
      
     
Kiera    
    
   
    
Sa araw ng Year End Party, maaga akong nagising dahil may rehearsal pa kami ng buong banda bago ang event mamayang gabi.

Habang nag-iisip ng susuotin na damit, nakatanggap ako ng message mula kay Sine.    
    
   
    
From: Sine

Ohayou Kiera-chan *^v^*   
   
    
   
Kahit kailan talaga ang lalaking 'to, hindi ata niya makakalimutan ang existence ko sa Earth.

His naughty side wasn't even annoying to me. Sa paraan niya ng pangungulit sa akin, parang natutuwa pa ako dahil naaappreciate niya ang magbuhos ng oras para mang-istorbo.

"What should I wear? Hmmp. Parang wala na ata akong maisip na magandang damit para sa party."

Hindi pa ako nakakatapos sa pagpili ng damit, nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Sine.   
    
   
  
[Hello Kiera-chan!]    
    
    
    
"Uh, hello? Ba't ka tumawag?"   
    
   
    
[Wala naman. Haha. Anong ginagawa mo ngayon?]   
    
   
   
"Naghahanap ng magandang isusuot sa Year End Party. Yun lang."   
   
   
  
[Hindi ka ba bumili ng bagong damit ngayon? May party ah?]  
   
   
    
Kung may extrang money ba ako, bakit pa magtitipid at magtitiis sa lumang damit? Right?

Kaso ayoko namang sabihin ko pa ang pagtitipid sa kanya dahil problema ko 'to.

"Sige Sine. May sasabihin ka pa ba? Busy kasi ako maghalungkat sa cabinet ng damit."   
    
    
   
[WAIT! HUWAG MO AKONG PAGBABAAN NG PHONE.]    
   

    
"At bakit?"   
    
   
   
[Punta kang Z.U. by 9 am sharp. As in sharp. Kapag ikaw nalate, alam mo ang mangyayari sa'yo sa Year End Party mamaya.]   
   
  
   
"Bakit? Anong pwede bang mangyari sa akin kung malate ako or di sumipot?" Ano naman kaya ang pakulo nito?    
   
   
   
[Basta. Pumunta kang Z.U. 9 am sharp ha? Maghihintay ako.]    
    
    
   
"May gagawin pa ako ng 9 am. Aga naman ng pagpunta ko sa school. Magmumukha akong excited."   
   
   
   
[Ichi.]    
      
     
    
"Ha?"   
     
    
   
[Ni.]    
         
      
   
"Ano? Ano?"    
   
    
      
[Nagbibilang ako, Kiera-chan. Huwag mo akong inaano d'yan.]   
     
   
   
Jusko, pagbibilang ba ang tawag d'on? Ba't kasi hindi niya na lang tinagalog o iningles para maintindihan ko? Hello, pure Filipino here.

Ang masaklap pa, hindi ako anime otaku na nakakaintindi ng basic nihonggo.

"Haay. Ano pa ba ang magagawa ko kung makulit ka? Sige, pupunta na ako."   
    
   
   
[Nice! Goodbye Kiera-chan. Kita-kits na lang sa club room.]   
   
   
    
Pagkatapos ng tawag, napabuntong hininga ako at ngiti dahil sa mga nangyari kanina.

I didn't expect that Sine would become so clingy after what happened before.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya para ituring ulit akong kaibigan matapos ang nangyaring sisihan.

Hindi ko alam kung bakit niya nagawang lunukin ang sariling pride sa isang tulad ko.

Ano kaya ang gusto ni Sine sa akin? Parang nakakapanibago kasi sa side ko na okay kaming dalawa.

The CompanyWhere stories live. Discover now