Chapter 29: Remember

47 1 0
                                    

Kiera 
  
  
 
Makikipag-usap sa akin si Shin? Tungkol saan?

"Bakit?" Ito lang yung naisip kong sabihin sa kanya.

Hindi na ito nagsalita at patuloy lang siyang nakatingin sa akin.

"Sige. Mag-usap tayo." Ayaw niya na rin namang pangunahan siya tungkol dito kaya um-oo na lang ako.

"Kailan mo balak umalis sa club?"

Wala na akong rason para talikuran ang mga bagong bagay na dumating sa akin. Aminado akong sa una ay hindi ko matanggap na ganto ang nangyari sa buhay ko.

Ginusto kong makalaya mula sa nakaraan. Lumipat ako dito sa Z.U. para umiwas sa lahat ng mga nakilala ko.

"Kung hindi mo gustong umalis sa TCC, hindi na kita pipigilan pa."

Tumunghay ako para makita ang mukha ni Shin. Hindi ko inaasahan na ganto ang sasabihin niya sa akin. Pero hindi ko maiwasang magtaka sa bago niyang desisyon.

"And please, please remember to keep smiling... like before... kahit sa kabila ng lahat ng mga nangyari... kahit nakaharap na ako ngayon sa'yo."

"Shin--"

"And also remember to call me Sine. Shin is when we're outside the club."

"Pero... wala tayo sa clubroom... di ba?"

As if it is the first time that I saw him smiled at me, which made my heart beat faster.

"So... ok na rin naman ang lahat. Pwede na siguro kitang iwan dito."

Bago siya tumalikod, may inabot siya ulit na voodoo doll sa akin. This time, lalaking version naman ito.

"You have a special job for tomorrow, Kiera-chan. I'm sorry. But... jaa ne."

Pagkaalis ni Sine, tiningnan ko ang inabot niyang manika sa akin at medyo pinisil ito.

And that's it. We're back to normal as ordinary clubmates. Parang wala lang nangyari noon.

I think... this is already better just like from the past.

Kasi kahit kailan, hindi ko pa naranasang may bumalik na pagkakaibigan di gaya nito. 
 
"Kiera! Nandito ka pala. Nasaan sila Ghenea?"

Dumating sila kuya Rick at Shen na mukhang kanina pa kaming hinahanap.

"Uhh... kasama nila Ban. Ganon."

"Eh? Ok. Nagsayang lang kami ng oras kakahanap sa inyo. Ikaw ba, ba't ka mag-isa?" tanong ni Shen.

"Ano--"

"Parang nakita kong pumunta dito si Sine. Hindi ba kayo nagkita?"

Bago pa man ako sumagot, nanlaki ang mga mata ni Shen nang makita yung hawak kong voodoo doll.

"So... nagtagpo nga talaga kayo dito." sabi niya.

"Oo eh. Tapos... binigay niya sa akin 'tong voodoo doll."

"Raggedy doll?"

"Ay oo. Raggedy doll nga. Haha. Sorry." Parang pareho lang kasi 'yon eh.

"Hmmp, uuwi na kasi kami ni Shen ngayon. Sasabay ka ba sa amin?" tanong ni kuya Rick.

Dahil alam naman nila Shen na magkakasama sila Ghenea, umalis na kami ng Z.U. sakay ng kanyang kotse.

Ibinaba niya ako sa tapat ng apartment at pinasalamatan ko siya bago umalis.

Pagkabukas ko ng pinto, nasa salas pala si aling landlord habang may kausap na bisita.

"Sige hijo. Pwede ka nang makalipat bukas dito. Kapag dumating yung kaisa-isa kong nangungupahan, ipapakilala kita para hindi siya masorpresa."

The CompanyWhere stories live. Discover now