Chapter 40: Truth and Hearts

38 1 0
                                    

Kiera  
  
  
 
Magkakasama kaming apat na babae dito sa loob ng cafeteria dahil nagkataong parehas kaming may vacant hours sa hapon.

"I can't believe it. Nakalimutan ng lahat yung halloween party na ginaganap sa Z.U. tuwing 30th of October."

Ayon kay Coline, tumutugtog rin kasi ang banda ng Z.U. sa event na 'to kaya bigla niyang naalala out of the blue.

"Late naman ng reminder mo, Lineng. Halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang mag undas, halloween pa rin ang nasa isip mo?"

"Sayang kasi eh. Experience din 'yon sa side ni Kiera. Pati first time niyang makaka-isang taon sa Z.U.. Dapat maranasan niyang sumali sa lahat ng events dito."

"Bumawi na lang tayo sa year end party. Mas pinaghahandaan 'yon ng school gaya ng Foundation Week at Valentine's Day."

"Oh. May point ka nga Ghenea-girl. Meron pa palang mas important na event na dadating before the end of another term."

"Right."

From halloween na topic, biglang napalitan ito ng love life nang makakita si Zera ng couple sa gilid namin.

Mula sa mga alam ko, parehong may gusto sa isa't-isa sila Ghenea at Fierce pero wala pang nangyayari na ligawan. Umamin kasi Fierce sa nararamdaman niya kay Ghenea noong nag stay kami sa kanilang resort last end of term.

"Neyang, kailan manliligaw si Fierce? Hindi mo pa ba pinapayagan?" tanong ni Zera.

"We don't need to rush things. Hindi naman aalis ang ligawan stage para pumunta na agad kami doon. And besides, ipagpapaalam pa daw ako ni Fierce sa Papa ko dahil kinakailangan."

"Duh. We are already in the 21st century. Why do Fierce still need to ask your dad about the courtship?"

"Psh. Palibhasa masyado kang pasaway sa dad mo kaya naging kayo ni Boss A ng hindi niya nalalaman."

"He loves me and it's none of my dad's business at all."

"I still have respect to my parents even though they like Fierce to be my future boyfriend since we were just kids."

"You don't know what you're talking about."

"As if you also know what you've talked last time."

Nagsusukatan ng tingin ang dalawa kaya ramdam ko ang mabigat na atmosphere sa buong paligid. Para hindi sila matuluyan na mag-away, pumagitna si Coline sa kanila.

"Enough na girls. You're making us feel being out of place."

Unang sumuko si Ghenea kaya nakangiting tagumpay si Zera nang humarap sa amin.

"By the way Coline, pansin kong ang tamlay ni kutong lups. Nag-away ba kayo?"

Parang nagtaka naman si Coline nang magtanong si Zera.

"No. And I didn't noticed him that way. Paano niyo nasabing matamlay siya?"

"May training kasi sila kaninang umaga. Dahil usual akong early bird sa campus, pinanood ko muna siyang maglaro sa field. Ilang beses kong nakita na nagkakandarapa si Ban habang tumatakbo. Gusto ko sanang asarin pero hindi ko tinuloy dahil mukha siyang problemado."

Hindi kaya bothered si Ban matapos bumalik ni Constantine dito sa Z.U.?

"I am also worried to that tyke. What if hindi lang talaga siya kumportable ngayon dahil inaalala niyang bumalik na si Constant dito sa Z.U.?"

Parehas ang naging doubt namin ni Ghenea. May possibility na ito ang nasa isip ni Ban dahil pwedeng makaranas siya ng insecurities mula sa ex-boyfriend ni Coline.

The CompanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon