Chapter 39: Inside

40 2 0
                                    

Brent  
  
  
  
Ilang araw na ang nakalipas mula nang pumunta kami sa resort nila Fierce.

Pansin ko rin ang pagbabago sa buong club room kapag kumpleto kaming lahat.

Isa na doon si Ban na halatang umiiwas kay Coline dahil hindi ko maintindihan kung may problema ba ito o wala.

Mas lagi kong napapansin ang walang mintis na kasiyahan ni Fierce matapos umamin sa nararamdaman niya kay Ghenea.

At si Sine, ganun pa rin ang habit na laging pasaway pero mas masunurin siya ngayon lalo pa't kasama si Kiera.

"Sleepy monster, may bagong misyon si Master. Constantine Steele ang target."

Kasama ko ngayon si Zera sa quadrangle habang may inaabangang tao sa entrance.

Si Constant ang sumunod kay Kiera na oobserbahan namin para malaman kung may kinalaman ba ang pagbabalik niya sa Z.U sa pagkawala ni M.A.

Higit isang tao na nang mamatay si M.A. pero ni isang ebidensya ay wala pa rin kaming nakakalap sa mga tao dito sa Z.U. na makakapagpatunay na hindi suicide ang kanyang ikinamatay.

"Parating na si Constant. Humanda na tayo."

May isang lalaki na naka-kulay abo na long sleeve ang pumasok sa main building at agad akong sinenyasan si Zera na sundan siya.

"Huwag ka masyadong maglakad ng mabilis. Mahahalata niya tayo."

Hindi ko pinansin si Zera dahil patuloy lang ako sa normal na paglalakad.

"Brent!"

Tumigil ako sa paglalakad nang makasalubong ang isang tao na kahit kailan ay hindi ko gustong makita ang presensya.

"It's new that you are not slacking inside the Detention Room today."

Ayoko sa lahat yung nakikita ang taong 'to lalo pa't unang araw ngayon ng pasok ko.

Gusto ko sanang banatan rin ang sinabi nito nang pumagitna sa amin si Zera.

"Jeez! It's been a long time since I saw you, Fake Almighty! Tsk. Anong ginagawa mo dito sa ground floor ng sobrang aga?"

At kailan pa sila naging close sa isa't-isa?

Bago sagutin ang tanong ni Zera, lumingon muna ito sa direksyon ko na parang nang-aasar.

"Responsibilidad ko na pangunahan ang flag ceremony kanina dahil ako ang presidente ng Supreme Student Council."

"Oh really? Akala ko pa naman inaabangan mo na ang pagdating ko sa opisina mo."

Hahaba ang usapan nila kung hindi ko pa inawat si Zera sa pagsasalita.

"We lost him. It's even your f*ckin fault at all."  
  
  
 
Regne   
  
  
    
It didn't surprise me as he left Zera at the lobby area.

Halos umabot na sa kisame ang pagtaas ng kilay ng kasama ko matapos siyang iwanan ng kaninang umalis.

"What's wrong with him? Psh. Bigla-bigla na lang nagwawalk-out."

"You'll be late on your AdvAcc subject. Mabuti pa sigurong umalis ka na rin gaya ni Mr. Heather."

Handa na sana akong umalis ng main building nang pigilan ako ni Zera.

"Ikaw rin. Para kang may date sa pagmamadali. Ano bang problema niyong dalawa at panay ang pang-iiwan niyo sa akin?"

Inalis ko ang kamay nitong nakakapit sa aking long sleeve dahil nagugusot niya ang suot kong damit.

The CompanyWhere stories live. Discover now