Chapter 49: Same

52 2 0
                                    

Kiera  
  
  
  
Few days before Year End Party, naghahanda na ang dalawang banda para sa ipapakitang surprise performance.

Since kanina pa kaming umaga nagpapractice, hindi maiwasan ng lahat na magreklamo kay Sine dahil nagawa pa nitong bigyan kami ng activities para tulungan ang ibang clubs.

"Minna~ Mabuti na lang at dala niyo ang mga blue record books."

Kinolekta lahat ni Sine yung mga notebooks saka kami isa-isang umalis ng club room.

As usual, sa Painting Club pa rin ako naka-assign sa pagtulong. Hindi ko nga alam kung nang-aasar ba si Sine sa akin or hindi eh.

"Kiera-chan."

Papasok sana ako sa Painting Club Room nang marinig ko ang boses ni Sine sa aking likuran.

"Bakit? Hindi ka pa ba pupunta sa club na dapat mong tulungan?"

Ang pagkakaalam ko kasi ay all-around siya sa buong club organization dahil parati daw siyang Executive Committee kapag may event sa Z.U.

Don't tell me na Painting Club ang pinili niyang tulungan ngayon?

"May nakalimutan ka."

Iniextend niya sa harap ko ang kamay niyang may hawak na badge.

"Oh. Sorry kung nakalimutan ko."

Nahawakan ko na ang badge pero ayaw pa rin nito bitawan ni Sine.

Gusto niya bang makipaglaro ng tug-of-war? Sabihin niya lang sa akin.

"Uhhh Sine?"

"Hmmp?"

"Ayaw mo ba akong bitawan?"

"Bakit kita bibitawan kung hindi ka naman naging akin sa simula?"

Hindi ko agad na-gets ang sinabi niya nang bigla siyang humagalpak ng tawa.

"Grabe ka sa akin Sine!" Lakas ng topak nito. To the Mt. Fuji ang level, di ko mareach.

"HAHAHA! Pfft! Sorry!"

At last, nakuha ko na ang badge matapost niyang tumigil sa pangtitrip sa akin.

"So, tara na? Aabutin tayo ng time kapag hindi agad nakapagsimula."

"Sure."

Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin kaya bigla akong nagtaka.

"Para saan?"

"Kanina ko lang sinabi na bilisan natin sa activity bago abutin tayo ng time."

Hindi pa ako nakakapag react, hinablot niya ang kamay ko kasabay ng pagbukas niya sa pinto ng Painting Club Room.

"Hello Minna~" bati ni Sine sa ilang myembro ng Painting Club.

"Oh. Nandito na pala ang The Company Club. Salamat sa pagpunta niyo."

Ipinakilala sa akin ni Sine ang presidente ng Painting Club na walang iba kundi si Cana.

Ayon kay Cana, kilala na siya ni Sine since elementary dahil matagal na rin siya dito sa Z.U.

"Ako ang maghahakot ng ibang canvas sa likod ng main building. Ikaw muna ang tumulong kay Cana-senpai sa mga design ng kanilang project."

Iniwan ako ni Sine sa loob ng Painting Room nang tawagin na siya ng ibang members ng club para hakutin ang sinasabi niyang canvas.

"Kiera ang pangalan mo 'no?" tanong ni ate Cana sa akin.

"Yup. Kiera Moreda. Architecture student. Saang program ka, ate Cana?"

The CompanyWhere stories live. Discover now