Chapter 47: Forgotten

44 2 0
                                    

Coline 
  
  
  
I take a look at Ban who's smiling in Regne and Zera's direction.

I know that deep inside of him, he could feel miserable for Brent.

May gusto ang kaibigan namin kay Zera. Noon ko pa ito alam dahil hindi magtitiis sa katigasan ng ulo si Brent sa kanya.

Pero hindi sila itinadhana para sa isa't-isa.

"Lineng, alis na tayo."

Hindi ko napansin na nakalapit pala sa akin si Ban habang may iniisip ako.

"Oh. Okay. Nakapagpaalam ka na ba sa iba?"

Nang makita kong buhat na niya ang pareho naming bag, sumunod ako sa kanya palabas ng T.C.C. room.

Habang naglalakad sa hallway, pansin ko ang pagbubungguan ng mga kamay namin.

"Ban?"

"Hmmp?"

"Wala ka bang training ngayon?"

Umiling siya sa akin sabay hinawakan ang kamay ko.

"Absent daw si coach. Masakit katawan."

Oh.

"By the way, ano sa tingin mo ang bagay sa akin? Maikling hair or mahaba pa rin?"

"Huh? Ba't mo natanong? Magpapagupit ka ba?"

Pansin ko kasi kahapon na masyado ng mahaba ang buhok ko. Baka kailangan ko nang magpatrim man lang.

"I'm just making sure that I won't get split ends. Hindi ko kasi matanong sila Zera-girl about dito since baka ikaw yung maging annoyed sa pagbabago ko ng hair style."

Nagulat ako nang tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ang ilang strands ng buhok ko.

"Wala naman akong napapansing split ends. Pero kung gusto mong magpagupit, sige. Huwag mo lang ipapaabot ng above shoulder dahil magmumukha kang siopao. Remember your haircut when we're still in pre-school?"

Shocks! Bakit niya pa pinaalala 'yon? I hate that haircut dahil ito ang naging rason nila Ban para asarin ako bilang si Dora the Explorer.

"Oh c'mon, Ban! That's a nightmare on my part. Errr."

Mas lalo akong sumimangot nang pisilin niya ang isa kong pisngi.

"Siopao."

"Ban, cut it off."

"Siopao na siopao ka talaga dati. Idagdag pa yung lagi mong bitbit na alagang pusa sa bahay niyo. Nakakamukha mo sa sobrang chubby. Winter ata pangalan niya 'no?"

"BAN!"

Sa kalagitnaan ng asaran namin, biglang sumulpot si Estelle sa aming harapan.

"Nice. Kayo na pala?"

Bibitawan ko sana ang kamay ni Ban pero hindi niya ako hinayaang makawala.

"Nanliligaw pa lang ako. Excited?"

Naramdaman kong uminit ang mukha ko lalo na noong ngumisi si Estelle sa akin.

"That's wonderful. Bagay kayo. So, una na ako. I still have one class to attend."

Pagkaalis niya, bigla kaming tumawa ni Ban.

"Pfft! HAHAHAHA! Speaking of another apple-like human. Muntik na akong hindi nakapagpigil sa pagtawa kanina dahil naaalala ko ang topic natin."

"Hahaha! You love teasing people who have apple-cut hairs! Kapag ganun yung pinili kong hair style nako."

"Why not? Edi may rason na ako para tawagin kang siopao."

The CompanyWhere stories live. Discover now