Chapter 27: Curtain Fall

36 2 0
                                    

Zera 
 
 
 
May final showdown pa pala kami. Gosh. Ano kaya yung kantang ibibigay?

"Pakiramdam ko naman alam ng lahat yung ipapakanta mamaya, right?" tanong ni Ghenea.

I don't know. Nagkataon lang kasi noong una kong pagsali sa competition na 'to, alam ko ang binigay na kanta.

Tiningnan ko isa-isa ang mga myembro ng M.B. From my conclusion, mukhang prente lang sila para sa finals.

"I'm getting excited yet very nervous on the other side for our next performance. Sari-sari pa naman ang conditions ng Battle of the Bands kapag finals."

Yup. Hindi gaya noon, normal pa ang binibigay nilang kondisyon sa mga contestants. Last year kasi, pinag-ice bucket challenge yung mga banda habang kumakanta. Abnormal lang eh. Mamamatay ka sa lamig 'non. Gabi pa naman ang event. Ugh.

"Zera, tingnan mo."

Napataas ang isa kong kilay nang makita naming dahan-dahan na naglalakad yung M.C. papunta sa aming direksyon.

"Oh God. Eto na naman tayo."

Nang makalapit ang M.C., ngiting-ngiti ito sa akin habang may pinapakita na picture.

"Habang hindi pa nagsisimula yung final showdown, pwedeng pa-autograph?"

Ok...

"Yah. Sure."

Pagkatapos kong pirmahan yung picture, may ipinakita ulit siya sa aking bagay. This time, ito na yung board paper na naglalaman ng event.

"Airplanes by B.o.B. ft. Hayley Williams ang kakantahin. Hihihi~ Thank you Omega sa autograph! Tagal ko ng gustong ipa-sign sa'yo 'to. Waah! I can't believe it!"

Pagkabalik niya sa back stage, biglang tumawa sila Ghenea at Coline.

"What's so funny? Naiinggit lang kayo sa akin eh. Hmmp!"

"Ay. Ang yabang ha. Natawa lang ako kasi bigla kang sinuhulan. Hahaha."

"Zera-girl, may asset na ulit tayo sa banda. Hahaha. Alam ni Kiera ang Airplanes."

Oh. That's great!

"Bwahahaha! Mukhang matatalo natin ang M.B."

Napangiti ako matapos ibalik ang tingin sa apat na lalaking nasa tapat namin. Wala sa mukha ni Sine na alam nila ang kanta ni Hayley Williams.

Yeah! Naeexcite na rin ako.

Pagkakita ko sa kumakaway na M.C., niyaya ko na ang tatlong babae upang tumayo.

"Good evening once again Zephians!!!Now that we're back, sino na ang ready makinig sa Final Showdown ng Battle of the Bands?!"

Humiyaw ng malakas ang maraming tao kaya mas lalo akong naging determinado sa susunod na laban.

"Whoah Hoo! Mukhang excited na ang lahat sa final round. Dahil ito ang role namin para sa inyo, magsisimula na tayo sa conditions ng huling labanan."

May dalawang estudyante ang lumabas sa back stage habang tinutulak ang isang malaking carnival roulette wheel.

"Hindi ako nainformed na sugal ang gagawin dito." Ghenea said before doing a face palm.

Sabi na, abnormal na naman ang kondisyon ng M.C. na 'to.

"Ghenea, better to remind me of burning the autograph later. Lalo na kapag nakapahamak ang M.C. ng reputasyon ng isa sa atin." I whispered.

"Yah. Whatever."

The CompanyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora