Chapter 42: Heartbeats

45 2 0
                                    

Coline



"Colineeee!"

Kasama namin kanina sa cafeteria si Shen dahil kinamusta niya kami about sa first day of new term. After 'non, umalis rin siya agad at sinabing babalik siya kapag tapos nang magreport.

Although bumalik nga siya as her promise, hindi ko alam kung bakit aligaga na ito nang salubungin kami.

"O, anong problema mo at para kang hinabol ng isang batalyong zombies?"

Ibinigay ni Ghenea yung lemonade niya kay Shen para kumalma ito.

"T-Thanks."

"Shen-girl, what's wrong?"

"M-May nabalitaan ako."

Huh?

"Tungkol saan?"

Agad kaming nagkatinginan ni Ghenea nang sabihin ni Shen ang pangalan ni Zera. Dahil dito, pareho kaming tumakbo papasok ng main building at iniwan si Shen na umob-ob sa inuupuan naming table kanina.

"Ano na naman kaya ang ginawa ng babaeng 'yon? First day na first day pero nagpasaway agad."

Nakarating kami ni Ghenea sa second floor at tinahak ang hallway papuntang Detention Room.

Nang tumapat kami sa pinto ng D.R., nakita naming nakatulala yung secretary ni Regne sa isang sulok habang kagat-kagat ang mga kuko.

"Mela, nasaan si Zera?"

Itinuro niya ang pinto ng Detention Room kaya pareho naming pinihit ang doorknob para buksan ito.

Masyadong maliwanag sa paligid dahil walang kurtina ang mga malalaking bintana ng D.R. kung kaya't medyo nahirapan ang paningin namin ni Ghenea na mag-adjust.

Nang makaaninag na kami ng dalawang pigura ng tao, tumambad sa amin ang magkaharap na sila Zera at Regne habang nakaupo sa magkatapat na couch.

Tahimik ang dalawa at tila nag-iiwasan ng tingin. Nang marinig nila ang tunog ng takong ng aking sapatos, nagulat si Zera nang makita kami.

"A-Anong ginagawa niyo dito?"

Hindi makatingin si Regne sa amin at hindi ko malaman ang kanyang rason.

"Pinapunta kami ni Shen-girl dahil nasa Detention Room ka ngayon. Anong nangyari? First day ah? May kasalanan ka na naman?"

Hinila kami ni Zera palabas ng D.R. nang hindi man lang nagpapalaam kay Regne.

Mas lalo niyang hindi pinansin si Mela sa labas dahil nakatulala pa rin ito sa hindi malaman na dahilan.

Dahil sa patuloy naming paglalakad, napapunta kami sa right wing ng main building at dito binitawan ni Zera ang mga kamay namin.

"You are acting weird as we got inside the D.R.. Ano bang problema Zera? Parang natatakot ka na ewan. Akala ko ba ang tapang mo kapag napapapunta sa Detention Room?"

"Hindi ito ang ikinababahala ko ngayon."

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagpalinga-linga siya sa paligid para makumpirmang kaming dalawa lang ang kasama niya dito sa hallway.

"I k-kissed the jerk."

"What?"

"NAHALIKAN KO SI FAKE ALMIGHTY!!! UWAAAH! TULUNGAN NIYO AKO!"

Biglang nagtakip ng bibig si Zera matapos sumigaw. Halos mabingi naman ang tenga ko kanina sa lakas ng pintig ng puso ko nang malaman ang ginawa ng kaibigan namin.

Kita kong nagbago ang expression ng mukha si Ghenea na para bang may nakita siyang baliw sa kalsada.

"What were you thinking, Zera?! Bakit mo 'yon ginawa?! You already have a suitor, right?! How come that you have kissed another guy?!"

The CompanyWhere stories live. Discover now