Chapter 41: No More Heartaches

32 2 0
                                    

Zera   
  
  
  
Hindi ako manhid. Sadyang ito lang talaga ang nararamdaman ko.

Ghenea thought that I didn't know what she have said last time was all about me.

Imposibleng si Coline or Kiera ang sabihan nitong manhid dahil ako lang ang bukod tanging apple of the eye ng babaeng 'to.

Since Kiera had left us in the cafeteria, nagdecide na rin akong umalis dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang last subject ko.

In a mean time, nagmumuni ako sa isang sulok ng classroom namin nang biglang may kumulbit sa likuran ko.

"Zera, nabalitaan mo na ba yung trending news sa college natin ngayon?"

Do I even care about what's happening inside our college since from the very start? Tsk.

"Tungkol saan ba?" sagot ko sa kablockmate ko dahil ayoko namang maging rude sa harap niya.

"Kaklase daw natin yung president ng Supreme Student Council this term. I don't know why did he chose our section instead of the higher one."

"Sus. Baka may conflict siya sa sched ng 1 kaya lumipat siya ng lower section."

"Sabagay, may point ka."

Hindi nawala sa isip ko yung sinabi ng aking kablockmate dahil ito ang unang beses na magshashare kami ni Fake Almighty ng klase.

He is also an irregular like me and I don't know how it was happened.

Sa pagkakaalam ko ay D.L. siya since freshmen pero nawala ito noong nakaraang taon dahil sa pagiging irreg.

Nakarinig ako ng kaluskos sa unahan nang may biglang pumasok sa classroom namin.

Yung iba, walang pakialam sa pagdating ni Regne dahil estudyante rin ito like us.

May ilan naman akong kaklaseng babae na kinikilig dahil kahit papaano ay gwapo rin si Regne kung titingnang mabuti.

Samantalang ang isang specie na tulad ko, ignore rin ang ginawa sa bagong dating dahil baka tumabi siya sa akin.

"Oh, kasama niya pala yung secretary."

Iniluwal naman ng pintuan yung sekretarya ng S.S.C. na mapagkakamalan mong grade 6 dahil sa 4'11" na height.

Feeling ko alam ko na ang dahilan ng dalawa kung bakit sa section ko sila nag enlist.

Sisiguraduhin nilang wala akong takas kapag may ginawang kalokohan.

"Maserati Wynne."

Pakiramdam ko ay bigla akong napadikit sa kable ng kuryente nang marinig ang pangalan ko.

Suot ang pilit na ngiti, hinarap ko ang taong 'yon ng walang takot.

Seryosong umupo si Regne sa bakanteng upuan kaya muntik na akong mapatalon sa gulat.

"A-Anong ginagawa mo sa tabi ko?"

Hindi pa rin mawala-wala ang seryoso niyang titig sa akin kahit na nakangiti ako.

"What? May nagmamay-ari ba sa upuan na 'to?"

"N-No! I mean... ang daming bakanteng upuan pero sa akin ka pa tumabi."

"Ikaw lang ang kilala ko dito kaya sa'yo ako tumabi. Pwede na bang maging magandang rason 'yon?"

Is he mocking at me?!

"Jeez! Lubayan mo nga ako, please? Nagkikita naman tayo sa Detention Room kaya bakit nasisikmura mo pang makatabi ang isang rare specie na tulad ko?"

The CompanyWhere stories live. Discover now