Chapter 35: Empty

28 2 0
                                    

Ban  
  
  
  
"Guuuuuys! Swimming na!"

Masaya ang lahat matapos ang nangyaring reconciliation kagabi. Ready na ang mga babae sa swimming samantalang aligaga naman ang mga lalaki dito sa loob ng cottage.

"Masyadong mainit sa labas. Hindi kaya tayo magkaka-skin cancer kapag nagswimming ngayong oras?" tanong ni Sine na daig pa ang babae sa kapapahid ng sun block.

"Tsk."

Wala sa amin ang sumagot kay Sine pwera kay Brent na napa-tsk sa kanyang sinabi.

"Kayo ba? Hindi niyo gustong maglagay?"

Umiling kaming lahat habang nagpipigil ng tawa dahil kanina pa nag-aalala si Sine sa init ng araw.

"Bampira ata 'tong si Sine. Allergic sa araw eh. Alas syete pa lang naman ng umaga." sabi ko na agad tinanguan ni Brent.

"Kain na kayo. Kakausapin ko lang yung isang body guard ni Papa." suhestyon ni Fierce bago umalis ng cottage.

"Sama ako. Kayong dalawa, una na kayo sa hall."

Nang makaalis sila Sine at Fierce ng cottage, nagkatinginan kaming dalawa ni Brent.

"Ayos. Mukhang ok na yung dalawa."

"Ikaw na lang muna ang pumunta sa dinning hall. Yosi lang ako."

Eh?! Aga naman ng bisyo nito!

"Hoy Brent! Huwag ka na munang magyosi!"

Itinaas ni Brent ang kanyang kamay habang naglalakad palabas ng cottage.

"Psh. Mga nang iiwan ang tatlong kumag."

Dumating ako sa dinning hall at nakasalubong ko si Zera at Boss A na nag-uusap.

Nang makita ako ng dalawa, umupo ako sa katapat nilang upuan.

"Yo!" may salute pa 'yan para kay Boss A.

Tumango sa akin si Boss A samantalang ang lawak naman ng ngiti ni Zera.

"Early bird ka sa mga boys. Nasaan yung dalawa?"

"Dalawa? Sila Fierce at Sine ba? Ayun, kausap daw yung isa sa mga body guard ni governor."

Bakit kaya hindi man lang nito tinanong kung nasaan si Brent?

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang ibang babae kaya naiwasan kong maging third wheel.

"Ban." salubong sa akin ni Coline at may inabot na beach volleyball.

"Kanino galing?"

"Kay Fierce. Dumaan sila sa cottage namin kanina."

"Ah, ganun ba?"

Umupo siya sa tabi ko at pasimpleng itinuro ang direksyon nila Ghenea at Kiera.

"Mga nag-iisa oh. Hahaha. By the way, hindi pa ba tapos sa vices si Brent?"

"Hindi pa. Nagulat nga ako na nagyoyosi rin pala 'yon kahit walang laman ang tiyan."

"Ang alam ko nga, hindi siya naninigarilyo kapag walang kain. Ang pagkakatanda ko before, pinayo sa kanya ng doktor na huwag gawing habit ito."

"Paano mo nalaman?"

"Ghenea-girl is always nosy on that guy. At isa pa, pinapayuhan rin siya nitong bawasan ang vices dahil malimit itong magbantay sa kanyang kapatid kapag nasa ospital."

Brent is also rich but not as much like the others. Parehas kaming tama lang yung term na mayaman hindi gaya ng sa iba na mga anak ng nagmamay-ari sa isang malawak na business.

The CompanyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ