Chapter 46: Good or Evil

50 2 0
                                    

Zera      
    
     
      
Ang huling subject ko ngayon ay Humanities. Sa Arts and Science Building matatagpuan ang room ko na medyo malayo sa usual kong mga classroom na nasa Accounting Building.

Hindi ako tumambay sa clubroom o kaya sa cafeteria kasama ang mga girls dahil gusto kong mapag-isa.

Pati may isa akong dahilan para maagang pumasok sa klase.

Hindi ko nilingon ang kaliwa kong gilid nang marinig ang ingay ng isang hinilang upuan. Ilang araw mula nang mangyari ang insidente sa tapat ng Detention Room, hindi na kami nag-iimikang dalawa.

Matagal nang nakalipas ang araw na 'yon at matagal na ring nagsosolo si Brent sa piling ni Sir O. Parang biglang may sumanib sa akin na anghel at hindi na ako interesadong mapa-detention miski ngayon.

"Good afternoon class."

Mabilis pa sa alas kwarto nang magsiupo ang mga blockmates ko sa proper seats nila dahil dumating na ang prof namin sa Humanities.

Kapag kasi wala ka sa sarili mong upuan, mark agad ng absent sa kanyang class record.

By the way, late na akong kumuha ng Hum subject dahil tinamad akong pasukan ito last year. Kaya ang naging resulta, kailangan ko ngayong itake.

Sa kabutihang palad naman, hindi ito naging dropped subject noon dahil sadyang nakalimutan sa system na ienroll ako dito.

The class has started and I didn't bother to listen on our prof's discussion. Nagagambala ako ng katabi ko kahit tahimik lang siya sa aking gilid.

This is my reason why I went inside the classroom in such an early hour. Gusto kong magkaroon ng tsansa na kausapin si Regne.

I need to ask him about Boss A.

As time flies by, halos ang laman lang ng utak ko ay mga pinagpaplanuhang tanong para kay Fake Almighty. Hindi ko gaanong naramdaman ang bilis ng oras kaya nagulat ako nang may banggitin ang professor namin na activity.

"Before we end our class, let's have a graded recitation in Music."

Whuuut?! Are we still in elementary? Duh!

"Who wants to volunteer first? 95 agad ang ibibigay kong grade."

The fudge with this prof? What if may stage fright ka pero magaling naman kumanta? Edi ang unfair lang para sa kanila?

By the way, bakit ba ako kumokontra sa prof kong 'to? As if namang affected ako kapag hindi naging 95 ang mga walang lakas loob na mauna.

"Zera, ikaw na lang ang una. Tutal sanay kang magperform kesa sa amin." bulong sa akin ng kaklase ko sa unahan.

Nahihiya pa akong itinaas ang kamay at agad naman 'tong napansin ng professor namin.

"Oh, it's good you have volunteered first Ms. Wynne. If I'm not mistaken, ikaw si Omega ng Lucky A, right?"

Napatakip ako sa tenga nang maghiyawan ang mga blockmates ko.

"Jeez. C'mon, wala ng Lucky A! Ordinaryong Zera na lang ako."

Ayan, medyo humble na ako para hindi na sila gumulo.

"Kow!" Hiyaw nilang pabalik sa akin.

"Students, be quiet!" saway ng prof namin sa mga blockmates ko.

Readyng-ready na ako magperform sa unahan nang mapansin kong sumenyas ang prof ko sa akin.

"Bakit po?"

Ano kaya ang problema nito para sumaglit sa performance ko? Don't tell me nagchange of mind siya kaya hindi ako pwedeng magsimula?

"As what I saw from the past performances of Lucky A, all the events of your band has performed is really great. I am going to decide your lucky partner so that he/she will also receive a higher grade in this recitation."

The CompanyWhere stories live. Discover now