Chapter 3: The Master

90 4 0
                                    

Kiera   
   
    
   
"In the history of Architecture... blah blah blah..."

Busy ako magtake down notes nang mapatingin ako sa di kalayuang upuan kung saan nakaupo si Riley. She's one of my classmates in History at medyo kaclose ko rin siya kahit papaano.

Beside her was an empty chair kung saan hindi ko alam kung sino ang nakaupo. Ilang araw matapos ang first day, bakante na talaga ang upuan na 'yon.

Napansin niya sigurong nakatingin ako kaya ngumiti siya sa direksyon ko. Nahihiya akong kumaway sa kanya na para bang bumabati ng Hi.

After ng klase, nagkaroon kami ng vacant time at kasama ko si Riley na magmerienda sa cafeteria.

"Napapansin mo ba yung bakanteng upuan sa tabi mo?" tanong ko kay Riley na kumakain ng sandwich.

"Oo. Wala laging umuupo d'on."

"Hala, bakit? May sumpa ba yung upuan?"

"Wala naman. Basta, may nagmamay-ari 'non."

Ngayon lang ako nainformed na may nagmamay-aring estudyante sa isang upuan na nasa school.

"Sino?"

Inubos niya muna yung kinakain niyang sandwich bago magsalita. Nakatingin lang siya sa malayo at medyo nasisilaw ako sa liwanag na tumatama sa eye glasses niya.

"He's the son of the owner of Z.U. Kinakatakutan siya sa university bago pa ako makapasok dito. Hindi siya halatang nakakatakot dahil lagi 'yon nakangiti at may maamong mukha. Pero... he's a devil inside."

Nakakatakot naman yung kinukwento niya.

"Devil? Katakot ha."

"Not literally. Pero alam mo na... in attitude. Parang devil."

"Just bad as hell?"

"Yup. Also..." medyo nagblush siya nang konti. "Hot as hell."

Ang horror naman ng anak ng nagmamay-ari ng Z.U., masyadong peculiar. Hot as hell daw eh. Lumalagablab. Yikes! Nakakaramdam ako ng goosebumps dito.

"Nako, pwede ko bang malaman ang pangalan ng sinasabi mo? Dapat ko atang iwasan 'yan." Baka kasi masunog ako nang hindi oras. Mahirap na, mahal ko pa buhay ko. Pati gusto ko nang bumalik ang dati kong kulay. Nasunog kasi balat ko dahil sa outing last summer vacation.

Inayos niya yung suot na eye glasses at seryosong tumingin sa akin.

"He's already my classmate since highschool. Nagkataon pang pareho kami ng kinuha na program ngayong college. Unlucky, I guess. But don't worry, hindi ka naman ipapahamak 'non kung hindi ka niya kilala or wala kang atraso sa kanya. Remember his name and be aware of his existence. Sine. He's Katsuo Shin Zeph."

Nang marinig ko yung sinabi niya, hindi ako nagulat. Ewan ko kung bakit. Pero teka, yung Katsuo Shin Zeph ba na tinutukoy niya... yung president ng The Company Club?!

"Hahahaha! Seryoso ka? Si Katsuo Shin Zeph or Sine yung kinakatakutan na anak ng nagmamay-ari sa Z.U.? Whooah! Hindi ako makapaniwala."

"Wait, Sine? Why are you calling him by his nickname? Close ba kayo?" tanong niya sa akin na nakakunot ang noo.

"Yup! Mabait 'yon. Tapos alam mo ba... Eeek! Ang gwapo kaya niya." *kinikilig*

"Teka-teka... Di ba, transferee ka ngayong first sem?"

"Yup!"

"Paano kayo nagkakilala? Pati kung nakilala ka niya... it means..."

Naguluhan naman ako sa shocked expression niya. Yun bang nakatakip ang bigbig gamit ang kamay at namimilog ang mga mata.

The CompanyWhere stories live. Discover now