Chapter 7: Lonely Girl

60 3 0
                                    

Coline  
  
 
 
From: Shen-girl 

6 pm daw sa old main building. ASAP.  
  
 
  
Bumuntong-hininga ako at muling tiningnan ang cellphone. This is it. It's time to face the Great Punishment.

Kinuha ko yung sling bag ko at nagsimulang maglakad patungo sa old main building.

"Ano kaya pakulo ni Sine ngayon? Uuwi na naman ba kaming luhaan?" bulong ko sa hangin.

Hindi ako kinakabahan kung ano ang parusang kahihinatnan namin. Bakit pa mag-aalala kung wala naman kaming kasalanan, di ba?

At isa pa, hindi 'yon nananakit.

Pagkarating ko sa rooftop ng old main, wala pa akong nakitang tao.

"Akala ko ba sharp 6?" Ilang minuto na lang bago mag-alas sais pero ako pa lang ang nandito.

"Hindi ka nag-iisa."

Laking gulat ko nang makita si Sine sa gilid ng railings habang seryoso ang tingin sa akin.

"Ok?"

"Akin na yung booklet mo."

Para saan?

"Bakit?"

Agad kong binigay sa kanya yung booklet dahil baka kung ano pa ang ibigay nitong parusa bago dumating ang iba.

Bumalik sa akin yung booklet na may stamp sa isang page kaya nagtaka ako.

"Most Punctual?" What?!

"You're the first one who got in here. Be happy with your award for today." sabi nito bago bumalik ang pagkaseryoso ng mukha.

I can't believe it! Naging most punctual pa ako sa gantong moment?

Matutuwa ba ako o hindi?

"Ano nga pala yung parusa namin?"

"Bakit ko sasabihin sa'yo?"

Ok, seryoso nga siya ngayon.

Makalipas ng ilang minuto, dumating si Ghenea kasama si Fierce.

"Hello Coline." bati sa akin ni Fierce. Syempre, hindi nawawala ang heavenly smile niya.

"Ghenea-girl!" ako na ang bumati kay Ghenea dahil mukhang wala na naman ito sa mood.

"Tsk. Nasaan na ba yung iba?" tanong niya.

"Uhhh, actually lahat kasi kayo ay late na."

"What?"

Pagkatingin niya sa relo ni Fierce, natahimik na lang ito.

"Itext niyo ang iba at sabihin niyo naiinip na ako." bigla namang sabi ni Sine.

Bago ko pa mailabas yung phone ko, dumating na ang iba. Except for sure kay Kiera-girl.

"Late."

"Buti nga at dumating kami eh." bulong ni Shen-girl at nag-apir pa sila ni Zera.

I don't think it's nice that she has said that.

Sa ngayon na seryoso si Sine, hindi namin alam kung ano ang takbo ng isip niya.

Tumabi ako kay Zera-girl para tumigil na siya sa pangungulit kay Brent.

"Tama 'yan." bulong ni Ban.

Hindi ko siya pinansin dahil nakatingin na ako kay Sine na may buhat na malaking box.

"Ano kaya laman 'non?" tanong ni Zera beside me.

The CompanyWhere stories live. Discover now