Chapter 45: Real

39 2 0
                                    

Kiera   
  
  
  
Papasok na sana ako sa susunod kong klase nang makita ko ang aking kakambal.

I didn't greet her since she doesn't noticed me while passing across her way.

Pero bago pa man ako makaakyat papunta ng second floor, narinig ko ang boses niyang tumawag sa pangalan ko.

Iniwan niya ang kanyang mga kasamang kablockmates dahil ako ang mas ginusto niyang makausap ngayon.

"Pwede ba kitang makausap kahit sandali?"

Gustuhin ko mang tumanggi sa sinabi niya, sinunod ko na lamang ang kanyang gusto dahil mahigpit niyang hinawakan ang bag ko.

"Sige, basta saglit lang 'to. May klase pa ako matapos ng tatlompung minuto."

Nagdesisyon siyang pumunta kami sa parking area dahil kakaunti lang ang tao doon sa mga oras na 'to.

Umupo ako sa bench na nasa kanang gilid ng parking area samantalang siya naman ay nakasandal sa likuran ng kanyang pulang sasakyan.

"Anong kailangan nating pag-usapan, Siera?"

Kita kong nag-aalinlangan pa siyang magsalita dahil panay ang pag-iwas ng tingin nito sa akin.

"Kung hindi ka magsasalita, aalis na ako. Inaaksaya mo lang ang oras ko."

Sakto sa pagtayo ko, siya namang pagbuka ng bibig niya at sinabihan akong huwag umalis.

"No Ate. I need to talk to you."

Is she making fun of me? Hindi nakakatuwa yung inaasal niya ngayon. She is even wasting my time in here.

Nakakagulat sa una dahil gusto niyang makipag-usap sa akin.

My twin sister was not mean to me even we're still kids. Sadyang masama lang ang loob ko sa kanya at sa lahat ng mga taong kinalakihan niya.

I didn't mean to hurt her in being too sarcastic and mad. Dapat masanay na siyang ganto ang lagi kong trato sa kanya kahit lumipas pa ang mga panahon.

"Do you have feelings for Sine?" simpleng tanong pero mahirap kung sagutin.

Why does she care if I have feelings for Sine? Dahil ba magkaibigan sila ni M.A. ngayon ay pipigilan niya akong mahulog sa taong mahal nito?

"Mukhang malapit rin pala kayo ni Sine sa isa't-isa. Oh! I forgot that you've been friends with his deceased girlfriend. Ano ngayon kung may nararamdaman ako sa kanya? Pipigilan mo ba ako para d'yan sa kaibigan mo?"

This is the real me. I am not kind nor an optimist person inside of my heart. I am just hidding my true self from anyone in this university since I left my old school.

Ito ang dahilan kung bakit ako nagtransfer sa Z.U.. Besides of the reason that Zeph University was my dream school since when I was young, tinatakasan ko ang nakaraan dahil gusto kong may mabago sa aking buhay.

With her, my family, my relatives and even my cruel old classmates... gustong-gusto kong makalayo sa kanila.

Ayoko ng mabuhay sa dati kong buhay. Sawa na akong nakokontrol ng takot mula sa lahat ng taong nasa paligid ko noon.

"Ate, I am not against to your feelings for Sine. Sa katunayan nga, gusto kong kayo ang magkatuluyan sa huli dahil may isang tao ang gutong-gusto na ikaw ang magprotekta at magmahal sa lahat ng importante sa kanya."

May kinuha si Siera na sobre mula sa kanyang dalang pouch. Walang imik ko 'tong tinanggap dahil iniisip ko kung kanino ito nanggaling.

"Alam mong gusto kong bumalik sa tunay nating pamilya. Stop hating me because I live in a world which you want to live with. Hindi ko gusto sa buhay ko ngayon. You are lucky better than me because you are with our family."

The CompanyWhere stories live. Discover now