Chapter 12: To Ease the Boredom...

41 4 0
                                    

Coline



I heard that Sine has a replacement for Lucky A. Wala pang kaalam-alam ang lahat tungkol dito pero matagal na niya palang inaasikaso ito.

But I keep guessing who will be the replacement for them?

Mag-isa ako sa club room nang dumating si Ban habang may dala pang bola ng soccer. Nang makita niya ako sa lounge na nagbabasa ng magazine, tumikhim ito para magpaumanhin sa biglaan niyang pagdating.

It is always awkward when we're alone inside a quiet place. Para bang nahihiya kami sa isa't-isa.

Ewan ko kung bakit.

Dumiretso siya sa isa sa mga chamber at lumabas rin agad matapos magpalit ng damit. Tumabi ito sa akin sa lounge pero wala pa rin kaming salitaan sa isa't-isa.

"Coline! Ban! Kanina ko pa kayo hinahanap!" biglang pasok ni Zera sa loob ng club room.

"Huh? Why Zera-girl?"

"Nabalitaan niyo na ba?"

"Ang alin?" tanong naman ni Ban.

"Yung good news kunno daw ni Master."

Nagkatinginan kami sa isa't-isa ni Ban pero siya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Tungkol saan?" tanong ni Ban.

"Oh gosh! Bakit kasi kayo nakatambay dito? Hindi man lang kayo dumaan kanina sa cafeteria."

"Nandoon rin ako kanina. Ibig sabihin pumunta kayo don?"

Zera-girl nooded."Yah. Since bago pa lumitaw ang araw sa silangan."

"Ano?"

"Teka, sabihin mo na kaya yung good news para makabawi man lang kami." sabi ko.

Umupo si Zera sa gitna namin at may inabot na flyers. Pagkakita ko sa glossy na papel, napatakip ako ng bibig dahil sa nakalagay dito.

"Bakit niya naisipan 'to?" nagtataka kong tanong.

"Bored siguro ang loko. Tsk tsk tsk."

Tumayo ako at lumapit sa bintana para mas lalong maaninag ang papel. At kahit pa anong gawin kong pagtapat nito sa sikat ng araw, kung ano ang nakita ko kanina ay ganun pa rin ang nakikita ko ngayon.

"What can you say about his boredom?" tanong ni Zera.

"I think it's just a very lame plan?" sabi ko.

"Bakit siya sasali sa Battle of the Bands kung hindi naman marunong tumugtog miski gitara?" tanong ni Ban.

Tumayo rin si Zera at nagpamulsa sa harap ni Ban.

"He even asked me to teach him how to play an electric guitar! Ito ang bago niyang ibinigay sa akin na mission kaninang umaga. And that moron was literally a fast learner! Natuto agad!"

Ano kaya ang nagtulak sa kanya para maging interesado sa pagbabanda?

"Ibig sabihin ito ang sinasabing pinalitan niya kahapon?"

Zera snaps on him. "You're right, Ban Glad! O di ba, sinong makaka-isip ng ideya na 'yan?" At umirap pa ito.

"Sasali lang siya dito para mabawasan ang pagka-inip sa paghahanap kay M.A."

"Ikaw kutong lupa ka! Huwag mo nang banggitin 'yan! Bumabalik na nga sa dati yung tao oh!"

Napatingin kami sa pintuan nang makita si Sine na kulang na lang ay mga glitters sa paligid para mas makita ang pagka-good mood nito.

"Minna-san! Nabalitaan niyo na ba?"

Sabay kaming tumango ni Ban.

"Great! Oh yeah! Dahil dyan..."

The CompanyWhere stories live. Discover now