Chapter 6: Rule Breaker

74 3 0
                                    

Zera   
  
 
 
Kinaumagahan, binuksan ko ang pinto ng clubroom at nakitang nakasubsob agad ang mukha ni Shen sa table niya.

"O, ang aga naman ng pag-iinarte mo. Mamaya pa 'yan kapag dumating na ang magaling nating Master."

Tumunghay ito at tiningnan ako suot ang seryoso na mukha.

"It's not time to joke, Gangster Queen."

"Oh c'mon! Gangster queen?! Kailan pa ako naging gangster?"

"Fine. Ok Ms. Black Sheep of TCC, for your information, wala kang karapatang ngumiti ngayon."

Ngayon naman ay Ms. Black Sheep of TCC? What's up with her? Bruh.

And wait a second, bakit parang apektado 'to masyado sa ngiti ko?

"At bakit wala akong karapatan?"

"Don't you heard about the news?"

"None. Hindi ako mahilig makichismis sa kung anu-ano. Pati ano bang nagpa-bad trip sa'yo ng agang-aga?"

Pinigilan ni Shen na mahilamos ang mukha dahil sa effort nitong make-up sa sarili. Imbis rin na sabunutan ang buhok, hinampas niya na lang ang table at nakagawa ito ng ingay sa buong tahimik na kwarto.

"I guess wala rin naman sa'yo kung maparusahan ka. Sanay ka namang masaktan. Kaya ka siguro nakakangiti sa parusa ng magaling kong pinsan ay dahil mababaw lang 'yon sa natatanggap mong punishment sa Detention Room."

Aba teka lang, ano bang mga sinasabi nito?

"Wala akong kaalam-alam na mapaparusahan tayong lahat. Ano bang nangyari?"

"Oh my goodness!!"

Bumalik ito sa pagka-ob-ob sa mesa at ngumawa ng ngumawa na parang pusa.

I think I need to leave her alone. Mukhang may problema ata ang isang 'yon at dinadamay pa ako.

Punishment from Master? Psh. Binigyan nga ako ng panibagong trabaho sabay sasabihin ni Shen na mapaparusahan ako?

That's a very contradicting situation.

Hay nako. Makaalis na nga dito sa clubroom. Hindi ko ata kakayanin ang masamang atmosphere ni Shen. 
 
 
 
Quadrangle 
 
 
 
Mukhang nauna ata ako sa kumag (Brent) ah. Salamat naman dahil halos araw-araw akong nababadtrip sa presensya niya.

Sa gilid ako ng cafeteria tumambay at umorder ng maraming pagkain para i-celebrate ang pagkakauna ko sa aming dalawa ni Brent.

Habang binabalatan ko ang apple, may napansin akong anino na nagpadilim sa pwesto ko.

"It's rare to see you in school at this early hour, Ms. Wynne."

Padabog kong inilapag ang knife sa mesa at sinamaan ng tingin ang pa-epal na tao.

"Oh, it's not nice to see you in this early morning too, Fake Almighty."

He's no other than Regne Vignaux, ang napaka-perpektong presidente ng Supreme Student Council dito sa Z.U.

"Siguro naman meron kang GMRC noong elementary para malamang masamang magkalat?" tukoy niya sa mga nalaglag na balat ng apple.

Inirapan ko muna ito bago sagutin.

"Of course, I have! You're smart but I don't think if you really are. Sa tingin mo ba makakagraduate ako ng elementary at highschool nang walang GMRC na subject? Common sense please. Nasobrahan ka na ata sa katalinuhan at CS lang nawala na agad."

The CompanyWhere stories live. Discover now