Chapter 17: Past is Past but where is the Present?

50 2 0
                                    

Coline  
   
   
  
It's another day and ngayong gabi na gaganapin ang Battle of the Bands.

Mababait naman lahat ng professors ko kaya wala akong klase ngayong araw.

Since ako palang sa mga girls ang present sa Z.U., pumunta muna akong cafeteria para tumambay.

"Lineng!"

Oh. Who was that?

Pagkatalikod ko, tumatakbo si Ban palapit sa akin. Automatic naman akong ngumiti nang makita siya.

"Good Morning, Ban. Bakit ang aga mo ngayon?"

"Wala akong magawa sa bahay. Nakipaglaro ako sa teammates ko kanina. Ikaw ba?"

Inaya ko siyang i-occupy namin ang isang vacant table na hindi ganung kalayo sa glasswall.

"Inagahan ko ang pasok since kinausap ako ni Sine."

I saw him stunned on his seat after I said our friend's name. Tila nagtaka siya kung bakit ako kinausap ni Sine.

"What's wrong?" tanong ko.

Umiling siya at ngumiti.

"None. Bigla-bigla ata siyang nangangausap ng mga myembro ngayon."

He is right on what he said. Mula kasi nang magka-issue sila ni Kiera, malimit na 'tong kumausap sa mga kaibigan namin.

"Ang pinag-usapan namin kanina ay tungkol kay Kiera." I lied.

Mas lalong nagdoubt ang kasama ko.

"Oh. Bakit daw?"

"Wala naman. Nabanggit niya lang sa akin yung tungkol sa nangyari kahapon sa recording room." Another lie again.

"Hindi naman nilait?"

"Yun na nga yung problema. Parang gusto niyang sabihin na kahit ako na lang yung maging vocalist sa band namin." I'm sorry Ban if I can't tell you the truth. Ang hirap ikwento sa'yo since ang complicated ng lahat.

"Siya ata ang pinaka-maarteng lalaki na nakilala ko."

"Yup. Pareho kayo." Ito na lang ang pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

"Hindi ah! Hindi naman ako nag-iinarte."

Tumayo na si Ban at nagpamulsa pa sa harapan ko.

"Fine. Sige, oorder na ako. Anong gusto mo? Libre kita."

"Sus. Naasar ka lang eh. Haha. Ok, kahit ano na lang. Pero mas maganda kung same tayo."

"Gaya ng chicken sandwich and iced tea?"

"Hmmp. Stalker ba kita para malaman mo yung healthy diet ko?" I teased.

"We are friends. Lagi tayong magkasama. Magtataka ka pa kung alam ko mga paborito mo?"

Wala namang masama kung malaman niya ang ilang mga bagay na tungkol sa akin. It's just that... nagulat lang ako na tanda niya ang ilang maliliit na bagay tungkol sa akin.

"You almost forgot something. " I added.

Ngumisi siya sa akin at may pagkumpas pa ng kamay na para bang nagsnap.

"Melon jelly."

Kilala niya pa rin ako ha.

Umalis na siya ng table kaya naiwan na lang akong mag-isa. Habang nakatingin sa malayong gate ng school, I remembered what I have talked with Sine last time. 
  
  
  
Flashback...  
  
  
  
"He is such a bipolar. Bruh! Hindi na ako magtataka kung may isa pa sa atin ang kakausapin niya... or in other terms ay pagtatanungan ng kung ano-ano."

The CompanyWhere stories live. Discover now