Chapter 15: Game

37 3 0
                                    

Kiera  
   
  
  
In the second day of Sports Festival, kasama na ako sa mga maglalaro ng outdoor games.

"Ok! It's already done na, Kiera-girl!"

Si Coline ang nagpuyod sa akin ng buhok dahil nagvolunteer siyang ayusan ako. Hindi naman talaga ito yung ayos na kailangan bongga. Braid lang naman yung ginawa niya sa akin.

Nasa gymnasium ako at halos lahat ng TCC members ay manonood sa laro. Natapos na kasi kanina yung laban ni Coline kaya kumpleto sila.

Hindi ko maiwasang kabahan. Ngayon ko lang kasi mararanasan yung may magcheecheer sa akin.

Zera and the others trust me in this game. Ibig sabihin ay nakakahiya ang sasapitin ko kapag natalo ang team sa laro.

Since hindi ako ganung kagaling sa paglalaro, nagvolunteer akong team bangko muna sa isang tabi. Hinayaan ko na lang yung mga varsities na sila ang unang lalaban.

"Kiera!"

Nagulat ako nang may kumulbit sa akin.

"Hmmp?"

"Eto yung gatorade mo oh. Malamig pa 'yan."

Hindi naman ako nagpabili ng gatorade ah.

"It's my treat. Tanggapin mo na. Sige, babalik na ako sa bleachers."

Nakita kong umalis na si Zera kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa court.

They are really supporting me in this game. Kailangan ko talagang galingan mamaya.

Matapos ang unang game, nakaupo pa rin ako sa bench habang pinapanood yung mga teammates ko.

"Moreda, sali kana ba?" tanong sa akin ng captain team.

Ngumiti ako sa kanya at medyo umiling na ang ibig sabihin ay hindi muna ako maglalaro. Saka na lang kapag kinailangan talaga ako. Kaya pa naman siguro nila ang second game. 
  
  
  
Ghenea  
  
    
   
"Awww. Ang tagal ni Kiera-girl maglaro."

Busy lang ako kumain dito sa bleachers habang nakatingin sa court. Pilit kong ipinofocus ang attention ko sa laro pero natatalo ito ng kaingayan ni Coline.

"Malay natin mamaya. Excited masyado." sabi sa kanya ni Zera at nakataas pa ang paa sa sandalan ng upuan ko.

"But you see, hindi naman ako ganung excited."

Kokontra na sana ako sa sinabi niya nang makita si Sine sa gilid ko. Hindi ko alam kung ang atensyon nito ay nasa laro o sa isa naming clubmate.

Well, hindi natin alam kung sino o ano ang tinitingnan niya.

"Ghenea, ikaw na lang ang umubos."

Tinanggap ko yung isang box ng popcorn mula kay Fierce since binibigay niya 'to sa akin.

"Ayaw mo na agad?"

Umiling ito at ngumiti sa akin.

"Ok pa ba yung tabi mo?" biglang tanong ni Fierce habang nakatingin kay Sine na sobrang seryoso.

"I dunno."

Biglang sumingit si Ban sa usapan namin kaya muntik ko ng mahampas ito ng box.

"Jeez! Ban! Hindi magandang makinig sa usapan ng may usapan."

Instead na pakinggan ang sinabi ko, nakangiti siyang nakatingin sa court habang nakapatong ang ulo sa sandalan ng upuan ko.

"Hula ko si Kiera ang tinititigan niyan."

The CompanyWhere stories live. Discover now