Chapter 43: Between the Pages

44 2 0
                                    

Ghenea  
  
  
  
Sine was inlove with someone else.

Kiera does not know where she was going to confess her feelings to Sine.

Zera was hidding the truth behind Boss A's true identity.

Ban was insecure to Constantine as he returned to Z.U..

"Ghenea, ano 'yan?"

Sinara ko ang notebook na pinagsusulatan kanina nang dumating si Fierce.

"Hindi ko pwedeng malaman?"

"Hindi eh. Sorry."

"Okay."

Umupo siya sa tabi ko habang pilit na binubuksan ang isang candy. We are both inside the library to kill time. Wala pa kasing tao sa loob ng clubroom dahil may klase pa ang iba naming kaibigan.

Hindi pwedeng makita ni Fierce ang mga sinulat ko dahil malalaman niyang may gusto si Kiera kay Sine.

Habang nakatingin ako sa notebook, naririnig ko pa rin si Fierce na nagbubukas ng candy.

"Ano na? Hindi mo pa rin mabuksan 'yan?"

Para hindi na siya mahirapan, kinuha ko ang candy at binuksan ito para sa kanya.

"Gusto ko na pumunta sa clubroom. Hindi pa ba tayo aalis?"

Pagkaabot ko sa kanya ng candy, muntik ko nang masapo ang noo ko dahil sa isang empanada na nakapatong sa kanyang libro.

"Are you going to eat that bread in this place?"

Tumango ito sa akin at inilapat pa ang daliri sa kanyang labi. Jeez. Is he even serious?!

"Kanina ko pa kasi 'to gustong kainin. Hindi naman tayo umaalis ng library kaya nandyan lang siya."

"Ugh. Let's just leave this place. Mukhang hindi mo mapigilang kumain sa loob ng lib."

Tinulungan niya akong buhatin ang mga dala kong libro paalis ng library.    
   
   
   
◆ ◇ ❀ ◇ ◆  
  
   
  
After a short time that we consumed in walking, nakarating na kami sa tapat ng T.C.C. room.

"Neyang, the door was unlocked." saad ni Fierce matapos pihitin ang doorknob.

"Baka may tao na sa loob." Pero ang alam ko lahat sila may klase pa ngayong oras.

As we both entered the room, nakita kong may tao na naka-ob-ob sa table ng T.C.C. president.

"So... he is already here huh."

Pumunta ako sa sarili kong table dahil ipagpapatuloy ko ang pagbabasa ng libro kanina. Naiwan naman sa lounge si Fierce at sinisimulan na niyang buksan ang wrapper ng empanada.

After ng ilang minutes, nakita ko ang natutulog na mukha ni Sine nang pumihit ang ulo niya sa direksyon ko.

Mahimbing ang pagtulog nito na para bang puyat na puyat kagabi.

"OH SH*T."

Nakuha ko ang atensyon ni Fierce nang mapansing gising pala si Sine.

"Wala na agad kayong klase?"

"Yup. Isang subject lang kami tuwing ganitong araw."

Nagpatuloy ang pag-uusap nila Sine at Fierce na parang hindi man lang ako nag-eexist sa kanilang paningin.

I think mas mabuti ito kesa maistorbo ni Fierce sa pagbabasa. And as what I can see from the two, magandang mag-usap sila sa isa't-isa para hindi na muling bumalik yung sinasabi nilang boundary.

The Companyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें