Chapter 5: The New and the Master

70 4 0
                                    

Kiera  
   
 
 
Ayoko na!!!

Hindi ako makatulog buhat nang mag-usap kami ni Sine kanina. He's so scary last time! Parang ayaw ng sarili kong sumunod sa sinasabi ng utak ko.

Kahit ata hindi ako uminom ng kape ngayon para makatulog agad, waley effect pa rin sa akin.

Kinuha ko yung necromancy doll sa ibabaw ng cabinet at pinisil-pisil ito.

"Sine! Bakit mo ako ginaganito?! Patulugin mo naman ako, please?!"

Hindi makakatulong sa insomnia ko ang pagmurder sa manika kung kaya't itinigil ko na lang ang ginagawa ko at tumingin sa bintana.

"Good luck sa akin bukas."  
 
 
  
Morning  
  
 
  
Ginawa kong key chain ang necromancy doll for a lucky charm.

Ok, it's odd to say na pampaswerte ito. Sa mukha pa lang ng manika, pwede na 'tong mapagkamalang pangkulam.

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang bigla akong makarinig ng yabang ng mga paa sa likuran.

"Good morning, Moreda-san."

Agad akong napahinto sa paglalakad. Early in the morning, siya agad ang una kong nakasabay!

"O, bakit ka napatigil? Binati lang kita ah."

Palapit na ito sa akin kaya kumaripas na ako ng takbo...

...

...

...

... which is hindi ko pala nagawa dahil nahigit niya ako gamit ang necromancy doll.

"Uwaah! Bakit?!"

"Calm down. Ano bang problema mo at natatakot ka sa akin?"

Hindi niya kasi alam na nakakatakot siyang ngumiti ngayon!

From the past few days, alam ko na ang tungkol sa kanya. Binabawi ko na yung sinabi ko dati. Hindi na nakakakilig ang kanyang ngiti. Natatakot na ako dito.

"Moreda-san."

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig siyang nagflick ng daliri.

"Moreda-san?"

"G-Good morning rin--"

"Oh, bumalik ka na sa dati--"

Itinaas niya ang kanyang kamay kaya lumayo ako kay Sine. Nagtataka siyang nakatingin sa akin bago ibaba ang kamay.

"A-Ano... Tara na s-sa clubroom."

Bago pa ako makapihit ng direksyon, nakita ko siyang nagkamot ng batok at siguro... sumunod na rin sa akin.

"Ohayou Minna! Kumpleto na pala tayong lahat!" bati ni Sine sa buong club.

"Hello--"

Nagulat ako nang umakbay siya sa akin.

Uwaaaah!

"Yow! Master!" pagsaludo sa kanya ni Ban.

"Ban-kun! Ah! Salamat at may bumati rin sa akin."

Tahimik lang ang iba sa loob ng clubroom. Matapos ang greetings kanina, pumunta si Sine sa unahan habang kaladkad ako.

"Ok guys since nandito na rin lahat, Coline, pakiabot ng kodigo ko."

Lumapit si Coline at iniabot kay Sine ang isang black notebook na may quil na nakasingit.

"Hindi ba ako pwedeng tumabi sa kanila?" bulong ko kay Sine dahil magkatabi kaming nakatayo sa unahan.

The CompanyWhere stories live. Discover now