Chapter - 1

1.8K 58 4
                                    

" Daryll mami-miss ka namin dito. Ano ba yan kasi, kung kelan third yr hs ka na, saka pa tayo magkakahiwa-hiwalay." Maktol ni Yna kapitbahay at matalik na kaibigan ni Darryl.

" Hehehe.....ok lang yun. Kayo din naman ni Yvo mami miss ko."

" Oo nga bro! Wala na akong makokopyahan pag may exam kami haissttt!" Kakambal ni Yna na kaklase ni Darryl. Nagkasakit noon si Yvo kaya nahuli sya ng isang taon ng pagaaral kay Yna. Mas matanda ang dalawa ng isang taon kay Darryl.

" Hay naku buti nga sayo tamad ka kasing magaral buti na lang kaklase mo si bestfriend! Singhal ni Yna sa kakambal.

" Tama ang ate yna natin yvo hahaha. Magaral ka na ng mabuti ngayon third yr hs ka na!"

" Nubayan bestfriend! Dont call me naman Ate Yna! Nakaka gurang! Isang taon lang tanda ko sayo noh!"

" Sige na nga bestfriend hehe!.....pero sa totoo lang sobrang nalulungkot ako sa nangyari kasi aalis kami dito sa Naga City.....sanay na ako na kayo ang mga kasama ko."

" Huwag kang malungkot Daryll, may txt, may call, may fb, may instagram, skype at kung ano ano pa kaya kontakin mo lang kami ni Ate palagi. At kung may mang aaway sayo dun sabihin mo lang sakin, pupuntahan kita sa lugar mo at reresbakan namin ng barkada!"

" Ulol! Resbak ka diyan! Mag aral kang mabuti yan ang gusto ko!"

" Opo ser!" Saludo ni Yvo kay Daryll."

" Bestfriend saan ba sa Quezon Province pupunta?"

" Sabi ni Papa sa Lopez Quezon daw. Isang town daw ito na malapit sa dagat."

" Woww! Ang ganda siguro ng view doon."

" Baka....di pa naman ako nakakarating doon...nadadaanan lang namin pag pumupunta kami ng Maynila."

" Haisssssttt! Isa pa pala wala ng magaling na pianista ang choir group ng school natin.,"

" Hahaha! Meron pa kaya si Berna. Yung gustong ligawan ni Yvo haha."

" Aha! At may nililigawan ka na pala! Sumbong kita kay papa!"

" Assuming ka ate! Hindi ko niligawan yun, balak pa lang hahaha!"

" Hayyy naku bestfriend bukas na kayo aalis?"

" Oo....maaga daw sabi ni papa. Mga alas tres daw ng hapon andun na din kami."

" So....lilipat ng school ang kuya at ate mo?"

" Oo.....sa maynila na sila mag aaral. Second yr college pa lang naman si kuya at first yr si ate...tamang tama nga nakapasa si ate sa isang school sa manila kaya doon na sila titira ni kuya...may bahay naman kami doon."

" So ikaw  lang ang magaral sa town na yun?"

" Ok lang kasama ko naman si mona na mag aaral, second yr na din siya. Kinuha sila ni papa para isama dun ang nanay at tatay niya."

" Ay oo nga pala bestfriend, driver at kasambahay nyo nanay at tatay niya."

" So......pano yan....uuwi na muna ako at baka hinahanap na nila ako.....kelangan pa namin magligpit."

Agad niyakap si Daryll ng dalawa na malungkot na nagpaalam. Saka lumabas ng bahay at bago lumabas ng gate ay kumaway pa sa mga ito. Mga kaibigan niya simula pa noon hanggang ngayon...mga kaibigang tanggap kung ano siya.

Nang makalabas ng bahay trangkahan ay nagsimulang maglakad si Darryl sa kalsadang naging bahagi na ng kanyang buhay ng labinlimang taon.

Darylls POV

Ayoko mang umalis sa lugar na ito ay wala akong magagawa. Simpleng lugar at tahimik sa gulo. Dito ko na rin kasi nakilala ang mga tunay kong kaibigan mula pa noong bata pa ako.

Ako nga pala si Daryll Montealegre, labinlimang taon na sa darating na September 8 ngayong taon. Bunso ako sa tatlong magkakapatid. Ang ate Dionne ko ay 17 na ang kuya Dean ko naman ay malapit ng mag 19. Masaya at masasabi ko na blessed ako ng pagkakaroon ng pamilyang meron ako ngayon. Tangap nila na miyembro ako ng third sex. Bading, bakla, baklush kung tawagin ako sa school namin ang iba pa nga ay Salot. Ganun pa man ay tanggap ko yun...mahalaga ay masaya ako sa buhay. Hindi ako katulad ng ibang katulad ko sa school na mga maiingay at mahilig kumuha ng eksena. Tahimik lang ako, pero masasabi ko na isa ako sa nangunguna sa school. Magaling akong tumugtog ng piano at gitara. Pero magandang boses?....ay wala hindi ako nabiyayayan nun hehehe.

May mga babae pa ring nagkaka crush sa akin maski alam nilang bading ako. Hindi kasi ako mukhang bading, guwapo daw ako sabi nila, matangkad ako sa edad ko, 5'7 na at tumatangkad pa....kaso alam ko bading talaga ako kasi sa lalaki ako na aatract hahaha. May crush nga ako pero diko na lang sasabihin....aalis na din naman ako sa school kaya di na dapat pang malaman.

Bukas ay tuluyan na naming lilisanin ang lugar na ito, hindi ko alam kung kelan kami makakabalik pero parang pakiramdam ko ay matagal. Ang bahay namin ay may mangangalaga na lang. Dahil karamihan ng kamaganak namin ay may mga sarili namang bahay.

Sabi ni papa malaki daw ang bahay na nabili niya. Isa itong old house pero maganda dahil naalagaan ng mahabang panahon. Ang tunay na may ari daw ay sa ibang bansa na nanirahan. Sa isang barrio daw ito na malapit lang sa pinakabayan ng Lopez Quezon.Isang doctor si papa at kinuha siyang additional doctor sa isang hospital doon dahil sa specialty niya. Ako pangarap ko ding maging doctor o kaya nurse balang araw...maganda kasi ang pakiramdam na nakatulong ka sa mga taong maysakit.

Nakakalungkot.....mami miss ko talaga ang lugar na ito....sana maging masaya ako sa bagong lugar na pupuntahan namin at sana mababait ang mga taong makikilala ko doon.

Habang naglalakad ay nasalubong ko ang 4rth yr na crush ko si Raven...

" Uy bat ka naglalakad may bike ka naman ah?"

" Baka kasi huling lakad ko na ito sa kalsadang ito hehehe."

" Ha? Bakit?!"

" Aalis na kasi kami bukas nina mama at papa.....sa Quezon na kami titira....may bahay kasi kaming nabili doon at the same time ay kinuhang doctor si papa sa isang hospital doon."

" Ay ganun ba....doon ka na pala magti third yr sa pasukan?"

" Oo....sa manila naman si kuya at ate."

" Kalungkot naman..."

" Ano hahaha.....at bakit?"

" Ah eh wala....kalungkot lang kasi mawawalan nang magaling na estudyante ang school natin."

" Hahaha ok lang yun....alam ko may mga darating na mas higit sa akin........pano yan....paalam na sayo....hinahanap na kasi ako sa amin raven."

" Sige Daryll.....mag iingat ka palagi."

At tuluyan na akong naglakad....ngunit ilang hakbang pa lang ay muli akong tinawag ni raven.

" Daryll sandali?!"

" Bakit?"

" Ummm....puwede ko bang mahingi number mo.....para text text tayo."

" Hahaha yun lang pala,eto #### ### ####. Text mo ako para malaman ko # mo. Huwag kang manloloko sa txt hahaha. May fb din ako add mo na lang ako."

" Oo alam ko....ni add na kita kaso di mo ni a accept."

" Hahaha....pasensya na hindi kasi ako palabukas ng fb. Hayaan mo accept kita.....o sige bye raven ingat ka din palagi."

" Bye Daryll...."

Muli ay naglakad ako....medyo malayo na nilalakad ko ay nandoon pa rin si raven sa lugar na nakatingin sa akin. Kaya kinawayan ko ulit ito at nagbabay.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now