Chapter - 18

601 32 73
                                    

Sa chapters na ito ay unti-unti na po nating matutuklasan ang mga bagay na nangyari noon sa buhay ni lolo manuel.

Ano kaya ang nilalaman ng sulat ni lolo manuel at ang isang sulat ng kanyang matalik na kaibigan. Si Salvacion ano ang kinalaman niya sa nakaraan ni lolo manuel? Nasaan kaya siya, buhay pa kaya siya pati si Armando ang matalik na kaibigan ni lolo Emmanuel.

Ano ang magiging kinalaman ni Daryll at Lucas sa pagtuklas natin sa nakaraan ni lolo manuel.

Huwag po sana kayong magsawa sa pagsubaybay. Maraming salamat...

Sa nagbibigay sa akin ng mga kasagutan sa aking mga tanong na may kinalaman sa kuwentong ginagawa ko na may kinalaman sa kanyang pinagaralan benjiecapistrano1 kay jhavril na nagbibigay ng mga do's and dont's sa pagsusulat. Kay E_L_I_A_H, ronielyndelarosa, davinciboi at sa lahat ng silent readers na patuloy ang suporta. Maraming salamat sa inyong lahat.

------------------------------------------------------

" Wowwww! Astig naman nito lolo! Message in a Bottle pala ang drama nyo noon ng bestfriend mo! Ang romantic  naman!"

Natawa ng malakas si lolo manuel sa sinabi ko.  "Kapapanood mo ng romantic movie yan apo....naisipan ko lang ito noong kabataan ko."

" Pero lolo talaga namang romantic at unique ang ganitong bagay! At isa pa 50yrs old na ang message in a bottle na ito grabe! Mabuksan nga ng mabasa!" Ngunit agad inagaw ni lolo manuel sa akin ang dalawang bote na nakangiti.

" Hindi pa maari apo!"
------------------------------------------------------
Sa kinaroroonan ni lukas ay kita na niya ang ginagawa ng dalawa at ang treasure chest na nahukay pati ang dalawang boteng laman nito.

Lukas POV

Anak ng pating! Kala ko kayaman! Bote lang pala! Ano kayang halaga nun at ibinaon ni lolo! Ang weird pero parang may lamang papel parang message in a bottle ah!
------------------------------------------------------
Darylls POV

" Lolo! Bakit naman hindi pa!" Nagtatakang tanong ko.

" Dahil meron pa rin akong natitirang konting pag asa na bakasakaling dumating siya.....pero sa pagkakataong ito ay ikinakatakot ko na baka isang araw ay mawala na lang ako na walang makakaalam ng bagay na ito. Baka may makatuklas na hindi karapatdapat at sirain lang apo."

Sa tinurang pahayag ni lolo manuel ay isa agad ang pumasok sa isip ko.....gusto niyang ipagkatiwala sa ibang tao, ipatago sa taong karapatdapat pagkatiwalaan ang laman ng treasure chest.

" Lolo grabe ah! Sulat sa isang papel lang iyan. Maari naman na nating basahin yan ngayon."

" Para sayo sulat lang iyan, pero sa akin kayamanan yan apo."

" Oo na nga po....pero malay nyo, hindi naman gaanong mahalaga ang nakasulat diyan."

" Para sa akin mahalaga dahil ako ang gumawa. Yung sulat ng kaibigan ko mahalaga din yan. Nangako kami sa isat-isa na babasahin namin ng sabay ang sulat ng bawat isa kaya pinapahalagahan ko iyon apo."

Napabuntunghininga na lang ako dahil ibang klase si lolo na magpahalaga ng mga bagay. Nakikita ko sa kanya na matibay ang kanyang paninindigan.

" Sige na nga lolo, pero saan mo ito dadalhin at kanino mo ipagkakatiwala?"

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now