Chapter - 43

415 32 22
                                    

Naipakilala na nga ng maayos ni Lolo Manuel si Benj......nakita daw niya itong nasa gilid ng kalsada at walang malay. Nang lapitan na  nila ito ay nagkakamalay na.

" Ano bang nangyari sayo Benj?"

Hindi agad nakasagot si Benj pero bakas sa mukha nito ang alinlangan at lungkot....para bang tinatatantya niya kung magsasabi siya ng totoo.....sa huli ay nagsabi na rin ito.

" Galing ako sa isang lugar kung saan may party....mga kakilala ko naman ang ibang naroon pero wala talaga akong balak na pumasok.....may gusto lang akong makita sa huling pagkakataon."

" Sino naman siya iho?" Tanong ni Lolo Manuel.

" Isang....kaibigan po lolo.......nakita ko siya....at doon nga ay nagpasya na akong umalis dahil alam ko na masaya siya.....masaya siya sa mga taong naroon."

" Huwag mong sabihin Benj? Bestfriend mo rin yan?" Si Daryll.

" Walang label ang friendship namin sa aking palagay....para sa kanya marahil ay kaibigan lang ako."

" Huwag mong sabihing na-inlove ka din sa Bestfriend mo, tulad ni lolo?"

Nanlaki ang mata ng matanda sa sinabi ni Daryll.

" Sorry po lo..peace!" Nakangiting paumanhin ni Daryll, nangingiti na din si Benj.

" Sumakay ako ng taxi......bitbit ang ilang gamit ko kagabi....pero habang nasa biyahe ay nahilo na lang ako sa taxi na sinakyan ko. Nawalan na ako ng malay.....at nang mahimasmasan ako ay nasa gilid na ako ng kalsada at naroon si Lolo Manuel.....wala na ang lahat ng gamit ko pero hindi nakuha ang isang wallet ko na maliit kung saan naroon atm at ilang id ko. Nasa isang pocket siya sa loob nitong pants ko.

" Naku! Nabiktima ka ng holdaper sa taxi, taxi driver mismo yun may pinaamoy sayo kaya nawalan ka ng malay.....Tumawag ka na ba sa mga magulang mo?"

" Ummm..... alam naman nila ang paglayo ko muna.....ayaw ko na silang abalahin.....maayos naman na ako." Ayaw man ni Benj magsinungaling ay ginawa na rin niya para maproteksyonan ang ibang impormasyon ng sarili.

" Yun nga apo.....lagpas hatinggabi na ng matagpuan namin siya sa may bandang Calamba laguna na pagkalagpas ng SLEX."

" Hala grabe ka! Sixteeen ka lang! Hindi mo ba ipapaalam kung nasaan ka ngayon?"

" Hindi na muna.....alam nila na magbabakasyon ako......gusto ko muna kasi lumayo nga mapag-isa."

" Siguro ang yaman ninyo?! Ganyan ibang mayayaman madaling maboring sa buhay kaya kung ano-ano ginagawa.....wala kang kapatid?"

" Hindi naman......may rason naman ako kung bakit......hindi pa ako ipinapanganak ng mamatay ang kuya ko 12 lang siya noon...leukemia...."

" Diuskupuuu! Sino ang foreigner mama o papa mo? Matatas ka kasi managalog at ang mata mo ang ganda ng kulay."

" British ang Daddy ko at Pinay naman ang mommy ko...more than a year  na rin akong naninirahan dito sa Philippines.Fourth yr HS na ako.....pero nag-drop na ako ng nakaraang araw."

" Ha!? Bakit?!"

" Ano kasi Daryll...hindi ko kaya...nahihirapan ako emotionally naaapektuhan pag-aaral ko."

" Kunsabagay tama ka sa ganyang bagay lalo na kung emotionally....hindi ko man alam kung anuman yan benj.....alam ko malalagpasan mo yan...ok lang kahit hindi ka pa handang sabihin."

" Tama si Daryll iho....sa ngayon bukas ang tahanan ko....ituring mong parang nagbakasyon ka lang dito....maraming kuwarto dito malilinis lahat mamili ka lang.....anumang bagay ang nagbunsod sayo para lumayo ay iginagalang ko kung hindi mo pa sasabihin.....basta lang hindi ilegal yan hindi ka kriminal."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now