Chapter - 58

394 29 65
                                    

Pagtangis ang maririnig sa loob ng kuwarto....mga hikbi ng pagsisisi at lungkot.....ngunit hindi sa dalawang nilalang na magkaakbay sa silid na iyon at masayang naguusap......

" Hayan na Emman.....dumarating na ang light!"

" Oo nga! Yeheeeyyyy sa wakas pupunta na tayo diyan!"

" Siyempre mabait tayo kaya diyan tayo pupunta....at kailanman hindi na tayo maghihiwalay....doon palagi tayong masaya."

" Oo nga! Sana may burol din doon Arman!"

" Sana nga! Ayan na hawak ka sa kamay ko Emman dali sabay tayong papasok na diyan!"

Habang patuloy sa pagtangis ang pamilyang naiwan ni lolo manuel at lolo arman, ay masayang magkasama ang dalawang bata patungo sa hangganan ng kanilang paglalakbay......ngunit walang hanggang kaligayahan, walang sakit walang pighati....walang paalam.
.
.
.
.
.
.
Daryll's POV

Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay namin.......sa loob lamang ng ilang araw ay maraming nabago. Mga katanungang sa mahabang panahon ay walang kasagutan ay nasagot sa isang iglap.

Ngunit siya namang pagkawala ng dalawang taong naging ugat ng lahat. Dalawang taong noon pa man ay walang hinangad ay magkasama habang buhay. Ngunit dahil na rin sa mapait na ikot ng tadhana sila ay nagkalayo.....pagkakalayong nagbago sa kanilang buhay ngunit siya ring muling maglalapit sa kanila ng tadhana. Sabi ng marami huli na.....pero para sa akin....walang
huli sa nagngyari kay lolo manuel at lolo arman.......magsisimula pa lang sila kung saan man sila naroon.

Ang aming pamilya at pamilya ni lukas ay nagkasundong iburol silang dalawa na magkahiwalay...si lolo manuel sa tahanan nito kung saan siya lumaki at namuhay....si lolo arman ay sa tahanang naging bahagi ng kanyang kabataan ang kanilang tahanan kung saan kami na ang naninirahan.

Napakalungkot ng araw na pumanaw ang dalawa....naawa ako kay David ng malaman niyang wala na ang kanyang lolo. Dinamayan siya ng pamilya ni lukas sa nararamdamang kalungkutan at nangakong hindi pababayaang mag-isa.

Agad kumalat sa buong bayan ang pagpanaw nina lolo at maraming nalungkot lalo na ang mga taong tinutulungan niya, mga kaibigan noon pa man at mga tauhan sa kanyang mga negosyo.

Nabalita sa mga pahayagan at sa tv ang pangyayari na pumanaw na ang isang pinuno ng mga rebelde at ang kaibigan nitong matalik na sa mahabang panahon ay hindi nakita. Hindi na naitago ng pamilya ni lukas ang kung anumang sinabi ng nasa media dahil marahil ay maraming nakakaalam ng buhay nina lolo.....maluwag itong tinanggap ng pamilya Montecillo at hindi ikinahiya.

Hindi ako makapaniwala na positibo ang naging reaction ng mga tao sa naging buhay ni lolo arman at lolo manuel....maraming nalungkot sa ibat-ibang dako ng Pilipinas sa nalamang buhay nila at marami ang humanga. Hindi rin naiwasang may mga negatibo dahil isang rebelde si lolo arman.

Magdadapithapon na ng dinala na ng puneraryang nag-asikaso sa dalawang bangkay sa aming bahay si lolo arman sa harap si lolo manuel.

Nang inilabas na ng funeral car ang kabaong ni lolo arman ay bumuhos ang luha ng mga matandang naroon...sila ang mga naging kaibigan, kaklase ng dalawa. Ako man at aking pamilya ay hindi napigilang maluha....malungkot si papa....hindi man niya tunay na ama si lolo arman ay ang naging buhay nito ang nagbibigay ng kalungkutan sa kanya.

Sa loob ng aming bahay ay inayos na ang lugar kung saan ilalagay ang kabaong. Maraming bulaklak na rin ang ipinasok at inayos sa tabi ng kabaong ni lolo arman. Hawak na rin ni Kuya Dean ang isang larawang malaki ni Lolo Arman na ipinaayos niya ng madalian sa bayan. Isang larawan na kuha noong 1966 kung saan 16 yrs old pa lang sila. Magkaakbay sila ni lolo manuel sa naturang larawan. Dalawa ang ipinagawa ni kuya at ang isa ay sa pamilya ni lolo manuel. Napakaganda pagmasdan ng larawan...bukod sa guwapong mukha ng dalawa ay makikita mo ang saya sa kanilang mga mata.

Nang maiayos ang kabaong na puti ay binuksan at inayos na ito ng mga nagbuhat.....binuksan ang takip nito at inilagay ni ate ang bulaklak sa ibabaw.....inilagay naman ni kuya ang larawan. Naglagay si mama ng mga ribbon na may pangalan sa takip ng ataul. Ang mga naroon naman ay tahimik lang na nagmamasid. Ako ay nanatili sa kinaroroonan ko......sa hagdan ako ay nakaupo at pinagmasdan ko ang nagaganap.

Nang maayos na ang lahat ay dahan-dahan akong tumayo at lumapit.....habang lumalapit ay nakikita ko na ang mukha ni lolo arman. Doon pa lang ay muling tumulo ang luha ko kaya lumapit sa akin si papa at inakbayan ako na lumapit na.

Maaliwalas ang mukha ni lolo....alam ko masaya siya....hindi ko napigilang humagulgol na dahil dalawang araw lang nakaraan ay kausap ko pa siya na may buhay. Katabi ko si papa at mama na pinagmamasdan si lolo arman.

" Lolo.....welcome home!" Sa gumagaralgal na tinig ay pilit na nagsalita si Daryll.

" Finally lolo.....nandito ka na, nakabalik at nakauwi ka na.....alam ko matagal mo itong pinangarap ang makabalik dito sa bahay na bahagi ng iyong kabataan. Nandito ang masasayang alaala mo kasama ang pamilya at ang mga mahal mong kaibigan. Huwag po kayong mag-alala nasa kabila lang na bahay ang mahal ninyo. Huwag po kayong mag-alala dahil pansamantala lang ito na magkahiwalay kayo.....dahil hindi na kami makakapayag na muling maghiwalay kayo."

Habang sa kabilang bahay ay naiayos na rin ang kabaong ni lolo manuel. Naroon lahat ng kanyang mga mahal sa buhay, mga ilang kamaganak, mga kaibigan at mga tauhan sa negosyo. Hawak ni lukas ang larawang ilalagay niya sa ibabaw ng ataul ni lolo manuel.

Nang maiayos ang naturang kabaong ay lumapit na rin si lukas at inilagay sa ibabaw nito ang larawan ng kanyang lolo. Wala itong imik pero malungkot ang itsura....maging kanyang pamilya ay bakas ang lungkot....alam nilang huli na sa pagsisisi pero hindi huli ang pagtanggap ng kamalian.

" Lolo......salamat....salamat sa lahat sa kabila ng kamalian ni papa namin ay ni minsan alam ko na hindi nawala ang pagmamahal mo sa amin......nagsisisi ako lolo at nanghihinayang na hindi ko man lang nasabi na mahal na mahal kita......hinahangaan kita sa pagiging mabuti mong halimbawa sa mga tao, anumang estado sa buhay at anumang kasarian ikaw ay hinahangaan nila.......magpahinga na po kayo lolo tapos na ang inyong paglalakbay dito sa lupa. Ngayon alam kong masaya ka sa paglalakbay mo sa kabilang buhay kasama si lolo arman."

Sa burol ng dalawang matanda ay dumagsa ang mga tao mga kakilala maski mga hindi kakilala na nakaalam na ng kanilang nakaraan. Ang dalawang pamilya ay maayos na naguusap sa mga gusto nilang gawin sa paglalagakan ng labi ng dalawang matanda. Si Daryll at Lukas at nagbigay ng suhestiyon na sinangayunan ng lahat na miyembro.

Anim na araw ang naging burol at sa huling araw ay dinala na sa naging paaralan nila noong hs ang labi ng dalawa para iburol ng ilang oras bago ang libing. Iyon ay ang hininging pahintulot ng pamunuan ng paaralan at ng halos lahat ng estudyante.

Umaga ay dinala na nga ang labi at doon ay nagbigay respeto ang mga estudyanteng naroon. Batid nilang napakalaking bagay ang mga ginawa ni lolo manuel sa kanilang paaralan kaya nararapat lang na bigyan ng respeto sa huli. Sa isang malaking gym inilagay ang kabaong ng dalawa ng ilang oras...isang misa ang ginawa bago magtanghalian. At ng matapos ay hinintay na nila ang oras para dalhin ito sa simbahan sa bayan para sa misa at pagbendisyon.

Napakaraming tao ang sumama patungo ng simbahan mga sasakyan na sumusunod sa mga tao.

Sa simbahan ay puno na rin at sa unahang bahagi ay naroon lahat ng mga mahal sa buhay ng dalawang matanda.

Naging madamdamin ang pagalala ng lahat sa naging buhay ni lolo manuel at arman na karamihan ay kanilang mga kaibigan.

Sa dalawang pamilya ang napagpasyahang magbigay pag-alala sa dalawang matanda ay si......Daryll.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy....
------------------------------------------------------

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now