Chapter - 47

389 31 71
                                    

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Nagpatuloy ang paglalakad ng grupo ng mga rebelde at mga bihag na kabataan.....masukal, maputik at matarik ang bundok at mga bangin na dinadaanan nila.

Nauuna si lukas kay daryll at ito ang umaabot ng kamay niya pag hindi nito kaya ang inaakyatan na bangin sa gilid ng bundok kung saan kita nila ang mabato at rumaragasang tubig sa ilog. Si Ybonne, kiro, alexis at Gabriella ay nagtutulungan naman sa pag-akyat at gapang. Nauuna ang mga rebeldeng tatlo sa pangunguna ni Ka Berto, at nasa tabi nila ang ilan. Nasa likod naman ni Benj at ali na magkasabay ang iba pa na inaalalayan ang dalawang sugatan na sa tingin ay halos maubusan na ito ng dugo.

Hanggang sa nahuli na ang limang rebelde. Nasa may unahan ng bahagi ang ilan ng ilabas ni Benj ang kanyang cp at agad tinignan kung may signal.

" Shit! Walang signal!"

" Tignan mong mabuti baka pawala-wala lng!" Si Ali na nasa unahan lang ni Benj.....Sinubukan ng sinubukan ni Benj na tumawag pero hindi makapasok...ginagawa niya ito habang tila pagapang na pag-akyat nila....hindi na rin siya napapansin dahil abala sa pagakyat sa matarik na gilid ng bundok....hanggang sa....

" HELLO?!!! TITO STEPHEN TULUNGAN NINYO KAMI NASA BUNDOK NA KAMI AT HINDI NAMIN ALAM KUNG HANGGANG SAAN ITONG PAGAKYAT NAMIN! PAGOD NA KAMI AT NAKAKATAKOT NA ANG LUGAR!" Pabulong na sabi ni Benj, pero madiin ito, nagmamadali at may takot.

" MY GOD BENJ!!! DONT WORRY GINAGAWA NA NG LAHAT NG OTORIDAD ANG PAGRESCUE SA INYO! HINDI MADALI ITO PERO GAGAWIN NAMIN ANG LAHAT! NAMOMONITOR NILA ANG PAGUUSAP NATIN!"

" SIGE PO TITO IBA...."

Hindi natapos ni Benj ang sasabihin at narinig ni stephen ang malakas na magkasunod na putok.

Mula sa itaas na bahagi ay kita ni Benj na pinaputukan siya ng isang rebelde.....hindi niya alam kung tumama sa kanyang katawan.....nagsigawan ang mga kaibigan niya na napalingon....hangang sa naramdaman ni Benj ang mainit na bagay sa kanyang katawan....isa pang putok at tuluyan nang natumba patagilid  mula sa pagkakaluhod ang binatilyo sa matarik na bangin sa kaliwa niya....umatras si Ali na nagsisisigaw ngunit huli na kita niya ang pagdausdos at pagtama ng katawan ni Benj sa mga nakausling halaman at bato..  Matarik at tuloy ang pagdausdos hanggang sa bumagsak na ito sa rumaragasang tubig at hindi na  nakita iyon ng kanyang mga kaibigan dahil nasa taas na bahagi na ang mga ito.

Nakadapa sa lupa si Ali na nagsisigaw na parang nasa akto pa ito na aabutin ang binatilyo....nagsisigaw naman at iyak si Daryll, ybonne,alexis...tigalgal sa gulat ang ilan sa bilis ng pangyayari.....gusto man nilang balikan ito ay pinigilan sila ng mga rebelde.

" Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon! Patay na yun! Buti na yun at nabawasan kayo! Ang babagal ninyo bilisan nyo!" Sigaw ng lider na si Ka Berto.

" HAYOPPPP KAYO! WALA KAYONG KONSENSYA! ANONG AKALA NINYO SA AMIN HAYOP NA GANUN NA LANG PATAYIN AT IWAN!" Sigaw ni Lukas na tila susugod pa sa lider, ngunit iniumang nito sa binatilyo ang baril.

" MATAPANG KA BATA! BAKA GUSTO MONG SUMUNOD AT MAGKALAT ANG UTAK MO SA HARAP NITONG MGA KAIBIGAN MO?!"

" MAAWA NA PO KAYO SA AMIN, PAKAWALAN NYO NA KAMI PLS!" Si Alexis habang pigil ni kiro at Gabriella.

Tumayo na si Ali ng sapilitan siyang hinila ng isang rebelde para ipagpatuloy ang paglalakad kung saan tuluyan ng nilamong ng dilim ang paligid at tanging flashlight na lang na dala ng mga rebelde ang nakikitang liwanag.....hindi pa rin tumitigil sa pagiyak si Daryll na inaalalayan ni Lukas....muling nilingon ni Daryll ang kinabagsakan ni Benj ngunit wala na siyang makita kundi dilim.

Darylls POV

Lord ano po ba itong nangyaring ito sa amin......hindi naman po kami masasamang tao para parusahan mo ng ganito.....alam nyo po ni sa usapan naming magkakaibigan ay hindi sumagi ang mga ganitong bagay....akala ko po sa mga pelikula lang pero heto at nandito kami sa sitwasyong ito.....pagod na pagod na po kami.....sana po ay matapos na ito at makaligtas kami sa kapahamakan......lord....hindi ko po lubusang kilala si Kuya Benj pero alam ko pong mabuti siyang tao.....hindi po namin alam ngayon ang nangyayari na sa kanya.....lord umaasa po ako na sana ligtas pa rin siya sa oras na ito at sana may makatagpo sa kanya.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now