Chapter - 39

496 33 152
                                    

Kinagabihan ay kinausap ni Daryll ang kanyang mga magulang. Sinabi niya sa mga ito ang Grandparents Day Event ng kanyang school.

" Pa, nakakainis gusto ko may makasamang lolo o lola sa event na yun."

" Pasensya na anak parehong wala na ang mga lolo at lola mo sa amin....kung gusto mo ako na lang kunwari lolo mo, prosthetic lang yan." Nakangiting biro ni Ricardo sa anak.

" Pa naman eh! Kahit magprosthetic ka hindi halata kasi ang bata ninyo pa kayang tingnan pareho kayo ni mama."

" Dahil diyan sa sinabi mo anak....may dagdag kang baon bukas."

" Yessssss! Haissssttttt pero pa pano kaya ito.....Aha! Alam ko na! Si lolo manuel!"

" Anak....hindi mo lolo si lolo manuel, lolo yun ni lukas."

" Oo nga pala ma....haissssttt pano kaya ito....puwede naman kasing isama maski hindi totoong lolo.....maski kakilala daw puwede.....pero ma sa tingin mo isama siya kaya ni lukas?"

" Sa tingin ko hindi anak! Nakita mo naman siguro ang trato sa kanya ng ama ni lukas.....pero kung ako sayo ay kausapin mo si lolo manuel....puntahan mo sa bahay nila ngayon dito na kamo siya magdinner ulit. Dali kana at baka kumain na yun.....matatapos ng magluto si manang helen."

" Yesssss! Sige po ma!"

Lumabas ng bahay si Daryll at tumawid ng kalsada papunta sa bahay ni lolo manuel. Ngunit tila wala ito dahil nakakandado ang gate.....tanging ilaw sa balkonahe ang nakikita niya.

Hindi naman nagtagal ay may humintong isang kotse sa tapat mismo ng gate. Bumaba ang driver nito at akmang bubuksan ang gate. Ang nasa loob naman ng sasakyan ay dumungaw sa bintana.

" Apo....anong ginagawa mo diyan?"

" Wowww! Ikaw pala yan lo! Ang gara pala ng kotse mo!"

Bumaba si lolo manuel at lumapit kay Daryll.

" May sasakyan naman talaga ako sabi ko di ba sayo....nasa garahe lang....sandali lika pasok na tayo."

" Ay! Lolo kaya ako nagpunta dito dahil pinapupunta po kayo ni papa at mama sa bahay doon na po kayo daw magdinner."

" Hindi kaya kalabisan na apo.....kagabi sa inyo pa lang ako nagdinner."

" Sus si lo! Ok lang yun! Halika na po, magagalit ako pag di kayo pumunta!"

" Nanakot ka pa apo....para namang matatakot ako.....o sya sandali at bilinan ko na muna si Lito para ipasok niya ang sasakyan.......Lito ikaw nang bahala magpasok ng sasakyan, huwag mo nang ikandado ang gate at dito lang ako sa tapat. Dalhin mo na ang mga binili ko para sa pamilya mo."

" Sige po lolo, maraming salamat po."

Saka na tumawid ang dalawa ng kalsada.

" Si Lito apo ay ang ama ni Alexis, asawa niya si Aida yung pumupunt

a dito araw-araw sila ang pinagkakatiwalaan ko dito sa bahay. Si lito ang drayber ko at taga kumpuni kapag may dapat ayusin sa aking bahay."

" Ang galeng naman lo....pero saan po kayo galing at gabi na?"

" Galing ako sa Sariaya Quezon....may dalawa akong drugstore doon, dinalaw ko lang...saka isang convenient store....yung sa bayan na convenient store....walang nakakaalam nun na sa akin. Tanging si Attorney lang. Ang lawyer ko ngayon ay yung anak din na lawyer ng lola ko noon."

" Ahh....bilib na ako sayo lo...tatahimik kayo pero dami nyo palang alam sa negosyo."

" Oo naman apo.....nag aral at may natapos naman ako kaya marunong ako."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now