Chapter - 55

409 32 21
                                    

Sa pribadong opisina ng doktor ay naroon din ang pamilya niya....pagod na rin ito sa mga ginawang operasyon lalo pa at sa dumaang araw ay halos hindi siya mapalagay sa pag-aalala sa bunsong anak.

Lumapit si Daryll sa ama at niyakap ito na naglambing....sa upuan ay hinilot nito ang noo....nakangiti namang pinagmamasdan sila ng ina at mga kapatid.

" Ok po ba pa?"

" Salamat anak....hindi ko siguro kakayanin kung may nangyaring masama sayo....ikakamatay ko marahil ang kalungkutan kapag maalala ko ang mga bagay na ito na ginagawa mo."

" Pa....hindi ako kayang patumbahin ng basta-basta ng ganun na lang." Pagyayabang ni Daryll.

" Talaga bunsoy....hindi ka ba nagsisigaw at umiyak nung nagpuputukan na?!" Biro ni Dean.

" Siyempre sumisigaw noh kuya! Alangan namang tumawa ako dun!hmp!"

Napangiti na lang ang pamilya. Napabuntonghininga na lang si Daryll.

" Sa totoo lang pa.....hindi ako dapat mamatay dahil may dapat pa akong gawin."

" Ano na naman yan bunsoy?! Baka mapahamak ka na naman sa mga gagawin mong yan!" Si Dionne.

Hindi umimik si Daryll at inilabas ang isang larawan na itinago niya sa bulsa.

" Galing po ito sa kuta ng mga rebelde.....si lolo andoy ang may-ari anak po ito ng pangalawa niyang asawa sa unang asawa nito."

Kinilatis naman ng mama at papa ni daryll ang larawan nasa likod nila si Dean at Dionne.

" OH MY GOD!!!" Ang tanging nasambit ni Dionne.

Nanlaki naman ang mata ng amang doktor sa nakitang larawang black and white at luma na.

" Teka! Ako ito anak ah!"

" Tama nga ako papa! Ikaw ito eh....di ba may larawan ka na ang sabi mo ay mga 3 yrs old ka?....pero wala kang picture noong baby ka pa kasama si lola at lolo. Madami kang picture noon at halos kahawig mo ito....kasi ito ka yata eh."

Napabuntonghininga ang amang doktor na inaala ang mga bagay na ipinagtapat sa kanya ng kanyang Ina na isang doktor sa Naga City noong ito ay nabubuhay pa. May dalawa itong anak noon na mas matanda sa kanya ng pitong taon ang isa at limang taon naman ang isa. Balo ang naturang doktor na ang asawa ay isang sundalo na napatay sa ambush noon sa mindanao.

" May dapat pa ba kaming malaman hon maliban sa bagay na hindi mo tunay na ina si mama? Hon tanggap mo yun di ba? At tanggap ko yun kahit sino ka pa at kung saan ka nanggaling." Pagusisa ni Berna sa asawang doktor.

Sandaling katahimikan bago nagsalita ang doktor....

" Alam ko na ampon lang din ako.....tulad ni Lemuel sa Hospital din ako nakita ni mama noon....dinala ako ng mga sundalong may nilusob daw na hinihinalang may mga sumusuporta sa mga rebelde sa isang liblib na baryo sa Ragay Cam. Sur."

" Oh my God pa! Yung pangalawang asawa po ni Lolo Andoy ay tagaroon sa Ragay! Parehong pangyayari sa inyo ng papa ni lukas.....iyon ang kuwento ni lolo andoy na pangyayari kung bakit nagkahiwalay sila ng kanyang mga anak."

Hindi kumibo ang doktor bagkus ay nagpatuloy....

" Yung mga pilat ko sa likod na sanhi ng pagkasunog ay dahil daw ng makuha ako sa bahay namin ay nasusunog na ito at ako ay nawalan na ng malay dahil sa apoy....nailigtas ako ng mga sundalong naroon at dinala nga ako sa hospital sa Naga City kung saan si mama ay isang doktor....hindi gaanong malala ang sunog na tinamo ko pero nagiwan ng mga pilat ito......sa panahong iyon wala ni isang nagpakilalang kamaganak ko kaya ng tumagal si mama na ang umampon sa akin dahil parehong babae ang anak niya ang Tita Sandra at Rowena ninyo....itinuring nila akong kapamilya at hindi iba maski na hindi ako kadugo....alam ninyo yun mga anak....napakabuti ng mga tita nyo at pamilya nila sa atin....lumaki akong walang sama ng loob na naramdaman ng malaman ko iyon.....pero nasa isip ko pa rin sino kaya talaga ang tunay kong magulang.....nag-aalangan akong gumawa ng hakbang noon lalo pa na may kinalaman ang mga rebelde sa buhay ko at ngayon nga ay nangyari din sayo anak."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang