Chapter - 13

499 36 14
                                    

Nang sumunod na araw ay may mga kasama sa grupo si Daryll na nagpresent ng posible nilang i-perform. Isa sa kanya at ang kay lexi.

Isang mabilis ang ritmo at may dance choreography at ang dalawa ay old song na choral piece, ang isang bagong awitin na maaring gawing choral piece.

Ipinatawag ng adviser nina Daryll ang head ng Star Section maging ang ilang guro ng third yr at ang trainor na si Ms. Henson para mapakinggan ang apat na awiting pagpipilian para sa contest.

Matapos itong mapakinggan ay hind makapagdecide ang mga nagsilbing hurado kung alin.

" Masyadong gasgas na ang naturang awitin na napili ninyo. Sa tingin ko nagamit na yan ng ibang choral group ng ibang school. Maging sa ilang palabas na contest sa tv ay nagamit na. Sana kakaiba ang dating yung masaya. Tandaan ninyo....dalawang kanta ang kailangan ninyong i-perform. Una pa lang ay kailangang may dating na at ang pangalawa at dapat mapaindak ninyo ang audience at ang mga judges. Hindi taga dito ang mga judges kaya kailangang mapabilib ninyo sila." Pahayag ng Star Section head sa lahat na tinanguan naman ng ilang gurong naroon.

"Ms. Henson, sa palagay mo ba ang napiling awitin na pagpipilian ay makakapag bigay ng magandang panalo sa grupong ito?" Ang adviser nina Daryll.

" Mam, I think yung napili ni Daryll na mabilis ang beat puwede yun...kailangan lang magandang choreography siguradong mapapaindak ang audience lalo pa kapag ang banda natin na may hawak ng mga instrument ay magaling at ang mga vocals ay siguradong panalo."

Nang biglang may nagsalita sa may pinto kaya lumingon ang lahat. Napangiti ang ilang guro, pati ang ilang estudyante lalo na si Daryll. Napakunot noo naman si Lucas na agad ibinalik ang tingin sa harapan.

" Tama mam!"

Agad sinalubong ng adviser nina Daryll ang nagsalita na walang iba kundi si Lolo Manuel.

" Since narito tayong lahat...gusto kong ipakilal sa inyo si Lolo Emmanuel Montecillo. Siya ang makakasama ni Ms. Henson sa training ng grupong ito." Napangiti ang mga guro dahil batid nila kung gaano kagaling ang matanda sa kapanahunan nito.

" Good morning po sir. Masaya akong makilala kayo...ako pala po si Elisse Henson trainor din ng group na ito."

" Im glad too meet you also miss Henson. But tawagin ninyo na lang akong lolo manuel." Agad niyang hinarap ang mga estudyante na nakangiti." Kayo din mga apo...tawagin nyo din akong lolo manuel." Dagdag ni lolo manuel na tumingin kay Daryll at pagkatapos ay tumingin na maluwang ang pagkakangiti sa apong si Lucas na ibinaling sa ibang direksyon ang mata.

" Emmanuel masaya akong nagbalik ka sa paaralang ito.....matagal ng panahon pero alam ko hindi ka nagbago pagdating sa larangan ng musika....alam ko na malaki maitutulong mo para muling makuha ng third yr ang kampeonato sa choral contest na ito." Pahayag ng adviser nina daryll.

" Masaya din ako, at karangalan ko na muling magturo sa bagong henerasyon."

" Lolo, bakit ninyo po nasabi na tama yung sinabi ko kanina?" Ani ni ms henson.

" Narinig kasi kita ng papasok ako tungkol sa musika ni Daryll na sinabi mo....at naisip ko marahil iyon ang napili ninyo."

" Medyo, may alinlangan pa po ang ilan sa amin kaya sa tingin ko ay kailangang pagisipan natin lolo."

" Tama....kagabi ay nagkausap kami ni Daryll sa bagay na ito sa bahay. Nakita niya ang isang plaka at pinatugtog ito. Naaliw siya sa isang kanta kaya ito ang kanyang pinili. Alam din niya ang pelikulang ginawa para sa kantang iyon.At alam nyo ba na ang napiling awitin ni Daryll ay isa sa pinakamatagumpay na awitin noon. Maging ngayon ay pinapatugtog ito at ang nakakarinig ay napapaindak. Matanda na ako pero alam ko din at napanood na ang awiting iyon ay ginamit sa isang pelikula noong mga nakaraang taon. Isa pa ang grupong ito ay mga babae ang vocals kaya nababagay ito sa kanila. Ang naturang awiting iyon ang nagsilbing nakakatuwa at nakakaaliw na eksena sa pelikulang iyon. Ginamit sa pelikulang iyon ang lahat ng awitin ng grupong umawit ng napili ni Daryll." Sagot ni Lolo Manuel kay Ms Henson.

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon