Chapter -30

383 28 26
                                    

" Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat ng seniors. Lahat ay sabik sa mangyayaring okasyon sa gabing iyon. Lahat ng musa at konsorte ng buong pang-apat na taon ay sasayaw sa gabing iyon. Ayaw ko mang pumunta ay pumunta pa rin ako dahil kay Salvacion at  sa mga kaibigan ko......sa mga panahong iyon ay hindi na kami nagkakausap ni Arman.....hindi ko alam pero nararamdaman ko gustong-gusto niya akong kausapin ngunit walang pagkakataon dahil palaging nakabuntot sa akin mga kaibigan ko. Sa bahay naman ay sinasabi ko palagi kay lola na kung hahanapin ako ay tulog na."

" Ang pogi ninyo siguro noon lolo, naka amerkana ba kayo?"

" Oo.....ako kasi ginawang konsorte ni Salvacion....nagkasakit ang konsorte niya.....magkakasama kaming magkakaibigan na pumunta ng gabing iyon. Ipinahatid kami ni lola sa drayber niya.....si arman ay alam kong inihatid siya ng papa niya dahil natanaw ko na lumabas ang sasakyan nila bago pa kami umalis.......sa paaralan ay napakasaya ng atmospera.....tila fiesta sa field noon.....malakas ang tugtugan at lahat ay nag-gagandahan at guwapuhan sa kanilang kasuotan.....ngunit higit ang ganda ni Salvacion....marami akong narinig na napakaganda at napakaguwapo ko raw at bagay na bagay kami. Nagkangitian na lang kami ni Salvacion pati mga kaibigan namin."

" Totoo naman lo eh! Ang ganda ni Salvacion at ikaw guwapo ka ng kabataan mo."

" Ayun....habang naglalakad kami...nadaanan pa namin si Arman at Olivia....nagkatinginan kami ni Arman ng ilang segundo at pagtingin ko kay Olivia ay nakataas ang kilay nito at kita ko na inirapan niya si Salvacion. Nagbatian naman sila nina arman at dalawa ko pang kaibigan hanggang lumakad na kami."

" Sarap tadyakan ni Olivia lolo!"

" Nang oras na ng sayawan ay sumayaw na nga kami ni Olivia pati mga musa at konsorte ng lahat ng seksyon. Tuwang-tuwa ang mga manonood dahil maganda ang sayaw namin kung saan sumunod lang ako sa nakikita ko at si Salvacion ay iginigiya ako....hindi ko kasi alam dahil biglaan na ako ang eskorte niya.....hanggang lahat ay nagsasayawan na.....ako hindi na sumayaw......hinayaan ko na lang mga kaibigan ko.....nakita ko rin na sumasayaw si Olivia at arman na halos dikit na ang katawan nila.....pumikit ako ayokong masaktan kaya kumain na lang ako at nakipagkuwentuhan sa ibang kaklase ko na nasa mesa namin.....natapos ang tugtog at umalis muna sa gitna ang ilan. Bumalik sa table namin ang mga kaibigan ko....at nakita ko din na si Arman ay tumungo sa isang table kasama si Olivia......hanggang sa nakita kong tumayo si Olivia at hindi ko alam kung saan papunta....tumayo din si Arman at lumapit sa mesa namin....kinabahan ako dahil nakatingin siya sa akin...."
.
.
.
" Maari ko bang maisayaw si Salvacion, emman?"
.
.
.
" Hindi agad ako nakasagot.....si Vacion na ang sumagot......na tumingin sa akin."
.
.
.
" Puwede naman Arman....halika na!"
.
.
.
" Hinila na ng kaibigan ko si Arman at pumunta sa gitna....Habang sumasayaw ay nakaramdam ako na naiihi ako....kaya nagpaalam ako pero sumama si Dominador at tinungo namin ang palikuran. Tawanan kami ng tawanan hanggang tumigil muna kami ng pag-uusap ng papasok na kami ng palikuran agad kong tinungo ang isang cubicle sa dulo....ngunit akoy nabigla.....pati si Dominador ay nabigla dahil napatingin siya sa akin at tinignan ang ikinabigla ko."
.
.
.
" Pasensya na hindi ko sinasadya."
.
.
.
" Agad kong isinara ang pinto....ngunit ilang sandali lang ay lumabas na ang babae na masama ang tingin sa akin walang iba kundi si Olivia at ang lalaking nakayuko lang na at hindi namin kaklase sa ibang seksyon siya. Magkasunod silang lumabas.....at naiwan kami ni Dominador na gulat na gulat."
.
.
.
" Makati nga ang babaeng iyon Emman! Niloloko niya si Arman.....nakikipagtalik siya dito sa kubeta! Ang baboy na babae!"

" Psssshhhh! Pano mo nalaman! Nagyayakapan naghahalikan sila ng mabuksan ko."

" Inosente ka pa nga! Di mo nakita, nakababa pantalon ng lalaking iyon, nakalilis damit ni Olivia! Isinara mo kasi agad pero kita ko ang kababuyan niya! Tsk!"

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon