Chapter - 20

482 28 44
                                    

Dalawang linggo bago ang pasukan ay bumalik na ang dalawang kapatid ko sa Maynila. Muli ay naiwan ako at si lola kaya tuwang-tuwa ako na maaring makapaglaro ako ng walang limitasyon. Alam ko kasi kapag pumupunta sila ng maynila ay halos mahigit isang linggo silang wala. Pero hindi ko naman pinapabayaan ang aking pagtugtog ng piano dahil palaging hinihiling ni lola na tumugtog ako ng piano.

" Emmanuel! Wala kami ng papa mo, at ayokong puro bulakbol ang gagawin mo! Pagbalik namin ikaw naman mag-eenrol! Doon na rin kami mamimili ng mga gamit mo sa eskuwelahan pati na ang bago mong uniporme!" Si mama habang palabas kami ng bahay kung saan nasa sasakyan na si Papa at dalawang kapatid ko.

" Opo mama. Pero po maayos pa naman ang dati kong uniporme."

" Oo nga naman Eliza, hindi kayo dapat gastos ng gastos sa mga bagay na meron pa naman at puwede pa." Ang lola flora ko habang akbay ako sa palabas.

" Ayan na naman kayo mama! Anong gagawin natin sa pera kung hindi natin gagamitin!"

" Wala akong sinabing hindi nyo gastusin! Ang pera madaling maubos kung hindi kayo marunong gumamit! Ang gusto ko lang mga importanteng bagay at mahalaga unahin ninyo."

Napahimas na lang sa noo niya si mama.

" Mama, ayokong pagtawanan ang anak ko sa eskuwelahan kaya gusto ko lahat sila ay maganda at maayos ang pananamit! Kailangang angat sila sa kanilang mga kaklase!"

Hindi na umimik si lola ng hilahin ko ang kamay. Ganun si mama di patatalo sa lahat ng bagay. Para sa kanya maging si papa ang lahat sa mundo ay kumpitasyon, at sila yung tipong di patatalo at palalamang.

Sumakay na si Mama ng tinawag na siya ni papa. Kumaway naman ako sa kanila. Ngunit si Kuya at at ate ay tinignan lang ako. Noon pa man ganun sila sa akin. Hindi kami malapit sa isat-isa kaya pakiramdam ko ay wala akong kapatid. Napayuko na lang ako dahil sa reaction nila. Hanggang sa nakita ko na palabas ng gate ang sasakyan at tanging alikabok ng kalsada na lang naiwan.

Ipinatong ni lola ang kamay niya sa ulo ko." Hayaan mo na sila apo....ang importante masaya tayo, walang kontrabida kaya mamayang mga hapon pupunta tayo sa bayan sa parke mamasyal tayo." Sa sinabing iyon ni lola ay napalundag ako sa tuwa.

" Huwaaawww! Salamat po lola makakapamasyal tayo!"

" Basta para sayo apo." Nakangiting sagot ni lola. Saka na ito pumasok sa loob ng bahay. Naiwan ako sa labas na nakangiti na umupo sa mababang hagdan. Hanggang sa may narinig akong sutsut.

" Psssssttt! pssssssttttt!"

Lumingon ako sa pinanggagalingan nito at nakita ko si Arman na nakatawa sa labas ng gate at nasa leeg niya nakasabit ang kanyang tirador. Natuwa ako ng makita ko siya....hindi kasi kami palagi nagkikita at wala din panahon maglaro dahil sa aking mga magulang. Agad akong tumayo at tumakbo sa gate.

" Bakit ka nandito arman?"

" Nakita ko kasi na umalis ang pamilya mo at nakita kitang nakaupo dun kaya lumapit ako dito."

" Ah....luluwas sila ng Maynila kasama si kuya at ate kasi malapit ng pasukan. Doon kasi sila nag-aaral."

" Oo nga...ikaw pala anong grade ka na sa pasukan?" Tanong ni Arman na nasa labas pa ng gate.

" Grade four na ako...ikaw?"

" Huwaaaaawwww! Pareho tayo emman sana magkaklase tayo!"

Bago pa ako nakasagot at narinig ko si lola na tinatawag ako.

" Emman apo...papasukin mo ng kaibigan mo dito na kayo maglaro sa loob."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz