Chapter - 53

393 35 120
                                    

Para sa araw na ito.....ang update ay para sa inyong lahat dear readers na walang sawang sumusuporta.

Maraming salamat sa inyo.
------------------------------------------------------
Sumisikat pa lang ang araw ay naghanda na ang grupo sa gagawing paglalakbay pabalik ng bayan ng lopez.

Dalawampung katao ang kasama ni Ka Andoy....may lalaki at babaeng mga rebelde. Iniligpit na rin ni daryll ang bagay na natagpuan sa bangin kung saan nahulog ang kanyang kaibigang si Benj...masaya na may lungkot dahil sa nangyari sa kaibigan. May dalang mga pagkain ang grupo kung sila ay sakaling magutom. Mabilis na kinausap ni ka andoy ang maiiwan sa kuta....sa bayan ng tagkawayan sa isang liblib na baryo ay doon sila sasakay papuntang lopez. May nakahandang sasakyan ang kilusan sa mga lugar na itinalaga nila kung sakaling magkaroon ng engkuwentro at gagamitin iyon sa pagtakas. Maliban doon ay mayroong mga tao silang pinagkakatiwalaan na lihim na sumusuporta sa kilusan.

Bago simulan ang paglalakbay ay kinausap muna ni Ka Andoy ang mga kabataang tila na sabik sa gagawing pagbabalik sa Lopez. Tila nawala ang takot at pangamba na naramdaman nila ng una silang napunta sa kuta.

" Gusto kong malaman ninyo na mahaba at nakakapagod itong gagawin natin....maaring malagay tayo sa panganib kaya ibayong pag-iingat.....hindi nakabalik ang mga kasaping nagpunta sa lopez at akoy nangangamba sa maaring nangyari sa kanila......isang liblib na baryo sa tagkawayan ang una nating daratnan sa mahabang paglalakad....doon ay may kakilala ako na tutulong sa ating makasakay. Pero bago pa iyon ay may mga nauna ng naglakbay muli sa atin. Mga tagamatyag at tagapagbalita sa mga daraanan nating lugar....may signal na ng cellphone ang lugar na iyon pero isang cellphone lang gagamitin natin....yung kay Lukas....para isang tao lang ang kakausapin natin iyon ang ama ni lukas....mahirap at baka delikado kung maraming makaalam na pabalik tayo, alam ko na maraming checkpoint palabas at papasok sa mga bayang daraanan natin......kaya kailangangang maprotektahan ko kayo....kung ako ay dakpin at ikulong nila ay nakahanda ako. Gusto ko lang makita ang mga anak ko at si Emmanuel."

" Makakabalik tayo sa lopez lolo na ligtas hindi ko hahayaang muli tayong magkakalayo ni papa!" Si Lukas na handang-handa na sa gagawing paglalakad.

Alas sais ay nagsimula ng malakad grupo....katabi niyang naglalakad si daryll at lukas....kasunod ang ilang rebelde at si David at ang mga kaibigan ni Daryll. Sa unahan at sa likurang bahagi ay naroon ang mga ilang rebelde na masusing minamatyagan ang paligid kung walang panganib.

" Lolo....kaya mo pa po bang maglakad na malayo?" Tanong ni lukas kay ka andoy.

" Hindi hadlang ang katandaan ko apo para sa mithiin kong makita ang ama mo at si emmanuel.....mas lalo ako nitong pinapalakas para muli ko silang makapiling at makausap.....hindi madali pero handa ako sa kahihinatnan nito."

Nagpatuloy ang paglalakad at muling dinaanan ng grupo ang mga masusukal na gubat, mga ilog, bangin at mga bundok. Inaalalayan ng mga rebelde ang mga kabataang hindi sanay sa mga sitwasyong lakaran na matagal. Nakaalalay naman si lukas at daryll kay Ka Andoy.  Dahil na rin sa edad nito ay baril lang sa tagiliran ang kanyang dala...si David ang may hawak ng mahaba nitong baril kung sakaling gagamitin.

Dumaan mga oras at apat na oras na silang naglalakad tirik na ang araw. Kaya nagpasya si ka andoy na magpahinga ng saglit para makainom at makakain ng kaunti ang grupo. Kamote at prutas ang kanilang pinaghatiang kaiinin.

 Kamote at prutas ang kanilang pinaghatiang kaiinin

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin