Chapter - 52

405 35 111
                                    

Madilim na at nakapaghapunan na ang lahat ay wala pa ring dumating na mga napag-utusang mga rebelde.

" Maghintay pa tayo hanggang hatinggabi! Kung walang dumating hanggang kinabukasan ay hindi na biro ito! Kailangang malaman natin kung bakit at kailangang magplano tayo sa gagawin natin!" Si ka andoy na nagsalita sa harap ng mga tao.....nakaramdam naman ng pangamba, pag-aalala at takot ang mga bihag na kabataan.....alas otso na ngunit wala pa ring balita ang mga tagabantay at tagamatyag......si ka andoy ay nasa labas lang at naghihintay ng mga darating..........hanggang sa nilapitan na siya ni Daryll, lukas at david. Buo na ang pasya nila na ipagtapat lahat sa matanda ang kanilang nalaman at napag-usapan. Sa pagkakataong iyon ay mas masisigurado na nila.

" Lolo Andoy puwede po ba namin kayong makausap?" Tanong ni Daryll.

" Ah sige iho....upo, upo kayo...ano bang pag-uusapan natin?" Umupo naman ang dalawa sa harapan ni ka andoy...si david naman ay sa tabi nito.

" Sa katunayan po lolo ay nag-aalala din kami kung bakit wala pa ang mga kasama ninyo.....pero mas nag-aalala po kami kung may mangyaring masama sa isang tao na hindi man lang mabigyan ng pagkakataong makasama ang kanyang minamahal."

" Teka iho....akoy naguguluhan....."

" Puwede po bang makita muli namin yung mga larawan ng anak ninyo?"

" Ahh yun lang ba sige....kunin mo david."

Paglabas ni David na dala ang mga larawan sa baul na maliit ay di na napigilan nitong sumunod at makihalubilo sa kanila ang mga kaibigan ni daryll.....wala na ring nagawa ang dalawang binatilyo ng paupuin din ng matanda ang mga ito.

Isa-isa muling tinignan ni daryll at lukas ang mga larawan....at ang unang ipinakita ni daryll sa matanda.....

" Si Emmanuel di ba lolo.......guwapo niya di ba?"

Napangiti ang matanda.
" Guwapo talaga siya iho....may lahing amerkano kasi."

Napatingin naman si Alexis sa larawan. " Oh my God! Kilala ko yan!"

" Quiet!" Sigaw ni Daryll. " Hayaan nyo lang kami, makinig lang muna kayo!"

Muling hinarap ng binatilyo ang matanda na nahiwagaan sa reaksyon ni Daryll.

" Sa katunayan lolo.....hanggang ngayon kahit matanda na siya, guwapo pa rin si lolo manuel."

Medyo napakunot noong natingin sa kausap ang matanda.
" Lolo manuel?......sa sinabi mo parang kilalang-kilala mo si Emmanuel iho."

" Lolo.....halos apat na buwan pa lang po kaming magkakilala ni lolo Emmanuel Montecillo pero marami na po akong nalaman sa kanya at sa inyo."

" Paanong?"

Sa harap ni ka andoy at mga kabataan ay ipinagtapat ni Daryll sa matanda ang ugnayan nila ni lolo manuel....halos hindi makapaniwala at naluluhang natutuwa si ka andoy sa narinig na balita sa binatilyo.....maging mga kaibigan ni daryll ay naluha dahil alam din nila nakaraan ni lolo manuel at ka andoy na si lolo arman pala.

" Lolo.....matagal na po niya kayong hinihintay.....alam niyo po ba na halos araw-araw mula noon kung magpunta siya sa burol.....nagbabakasakali na ikaw ay magbabalik.....pero hindi siya sumuko.....hanggang ngayon ay umasa siya." Maluha-luhang pahayag ni Daryll....nakahawak naman sa kanyang noo ang matanda at nakayuko na tila itinatago nito ang pagluha at hinagpis. Pinainom ito ni Lukas ng tubig at umupo sa tabi nito sa kanan kung saan nasa kaliwa si David.

" Hindi ko akalain na maghihintay siya sa akin ng ganun katagal......maraming nangyari sa buhay ko at ipinalagay ko na ganun din sa kanya.....inisip ko noon na baka sa ibang bansa na siya tuluyang namuhay dahil sa mga pangyayari noon dito sa Pilipinas......napakawalang kuwenta ko palang kaibigan....hindi ko napanghawakan ang aming pangako sa isat-isa."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now