Chapter - 38

400 29 90
                                    

Happy 3 kings sa inyo dear readers.....atin po munang pansamantalang iwan ang buhay ni lolo manuel at arman noong kanilang kabataan. Marami pa pong mangyayari sa kanila na magkakaroon ng kaugnayan sa takbo ng kuwento nina Daryll at Lukas. Pero sa mga susunod na chapter ay unti-unti din nating malalaman pa mga bagay may kinalaman kay lolo manuel, kasama si Daryll ang kanyang pamilya, mga kaibigan at si Lukas.

Sa nakaraang chapter po ay hindi doon natatapos ang lahat kay Olivia, Salvacion, Alicia, Dominador. Muli po natin silang makakasama sa mga darating na chapter. Sa nangyari kay Arman sa nagdaang mga taon ay malalaman po natin sa mga darating na chapters.

Sa mga galit kay Olivia....iniisip ko po kung anong twist ang gagawin sa kanyang buhay.....tandaan po natin palagi na " everybody deserves a second chance." Ako din po ay naniniwalang " hindi maganda ang magtanim ng galit sa kapwa." Pero naniniwala din po ako sa kasabihang " I Forgive but I dont Forget." :)

------------------------------------------------------

Kinaumagahan sa breakfast ay may ibinalita ang papa ni Daryll sa kanya.

" Iho alam mo bang napakayaman pala niyang si lolo manuel."

" Alam ko na yan pa....kagabi marami kaming napagkuwentuhan at nalaman ko sa kanya pala napunta lahat ng ari-arian ng lola niya na naipamana sa mama niya at mga tiyuhin at tiyahin. Hindi pala niya magulang nagpalaki sa kanya pero totoong pamilya siya ng lola niya....marami siyang pinagdaanan pa at maaawa ka talaga...pero di pa tapos ang mga nalaman ko.....saka papa, mama bahay pala ito ng bestfriend ni lolo manuel...yung may ari ng violin na may initial na A.C ay Armando Capistrano. Sila ang unang pamilyang tumira dito...si Armando o arman ay kababata ni lolo manuel."

" Kaya pala hon noong napunta si lolo dito ay parang may lungkot sa mukha niya kapag pinagmamasdan ang bahay....parang may gusto siyang sabihin na hindi pa niya masabi."
Dagdag pahayag ni Berna sa mga sinabi ng anak.

" kay pala....pero alam nyo ba na si lolo manuel pala ang major stockholder ng hospital na pinagtatrabahuan ko...semi private hospital siya noon pa man daw na ang lola nito ang major stockholder at ipinamana sa kanya."

" Alam ko na yan pa nakuwento na niya sa akin......sobrang yaman pala talaga ni lolo at di halata.....napakasimple niya kasi."

" Pero bakit kaya galit ang anak niya sa kanya?" Tanong ni Berna sa anak.

" Ma, pa.....alam ko naman na maunawain kayo....hindi kayo mapanghusga ng kapwa.....gusto ko man na sa bibig ni lolo manggaling ang totoo pero sa kuwento niya ay masasabi ko na katulad ko siya.....masalimuot lang ang naging buhay niya noon sa piling ng kinilalang magulang niya...pinagmalupitan at hinusgahan pagkatao niya...pero ang tunay niyang pamilya ay hindi....nakilala niya ang tunay niyang ina sa edad na kinse kung saan magtatapos sya ng HS at kung saan din nabunyag na isa siyang gay....binugbog sya ng itinuring niyang ama at kuya na naging dahilan ng pagkamatay ng lola niya sa galit sa mga ito."

Sa narinig ay labis ang pagkabigla ng mag-asawang ricardo at berna.

" My God! Ganun katindi ang nangyari!"

" Opo mama....dahil sa isang diary na kinuha ng isang kaklase niyang malandi na si Olivia at ipinakita ito doon sa nakagisnan niyang magulang."

Isinalaysay na ni Daryll ang iba pang pangyayari kaya labis ang naramdamang awa ng mag-asawa kay lolo manuel.

" Dahilan ba yun para magalit ang mga anak niya sa kanya?"

" Hindi ko pa alam mama....wala pang nasabi si lolo sa akin sa mga bagay na iyan....pero yung bagay na may kinalaman sa naramdaman niya sa kanyang bestfriend ay totoo po iyo....na-inlove po siya dun kay Arman...pero di niya nasabi....at ang huling pagkakataon na nagkausap sila ay noong 15 yrs old pa lang sila."

A BOTTLED PROMISE ( a bxb drama )Where stories live. Discover now